top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Matinding gutom, pahiwatig ng suwerte at pag-unlad

  • BULGAR
  • Dec 15, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 15, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jason ng Batangas.


Dear Maestra,


Isa akong magsasaka at halos wala akong inaani sa tanim kong palay.


Napanaginipan ko na hirap na hirap ang buhay namin, kung saan dumaranas ng matinding gutom ang pamilya ko dahil halos wala na kaming makain sa araw-araw. Naisipan kong pumunta sa bukid upang muling mag-araro at magtanim ng palay.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jason


Sa iyo, Jason,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na dumaranas ng matinding gutom ang pamilya mo at halos wala kayong makain araw-araw. Ito ay nangangahulugan na susuwertehin ka sa buhay. May matatanggap kang malaking halaga at simula na ito ng pagyaman mo, gayundin ang tuloy-tuloy na pag-unlad sa buhay.


Samantala, ‘yung pumunta ka sa bukid para mag-araro at magtanim muli ng palay ay maganda rin ang ipinahihiwatig. Kaligayahan at kasaganaan sa buhay sa piling ng iyong pamilya ang kahulugan nito. Magiging independent ka rin sa iyong mga gustong makamit. Gayundin, sipag at tiyaga ang magiging sandata mo upang mapanatili ang iyong pag-unlad sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page