Matinding El Niño, ibinabala

by Jeff Tumbado @News | September 24, 2026

Photo: File
Inaasahang titindi pa ang El Niño pagsapit ng Oktubre at maaaring umabot sa “very strong” state bago matapos ang taon, ayon sa PAGASA.
Maaaring magdulot ito ng mas mababang pag-ulan, dry spells, at drought sa ilang lugar mula Oktubre 2026 hanggang Pebrero 2027, na maaaring makaapekto sa agrikultura, suplay ng tubig, irigasyon, at power generation.
Gayunman, nilinaw ng PAGASA na hindi nangangahulugang magiging tuyo ang buong bansa dahil maaari pa ring magkaroon ng ulan sa ilang lugar dahil sa Habagat.





Comments