Matagal nang nakikipagsapalaran… Lalaki, nakatakdang manalo ng jackpot sa susunod na taon
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | August 31, 2023
Dear Maestro,
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang humingi ng mapalad na numero. Matagal na akong nakikipagsapalaran sa lotto pero hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako tumatama ng jackpot, laging tatlo o apat na numero lang ang tinatamaan ko.
Nawa’y matulungan n’yo ako upang mabayaran na namin ang aming mga inutang at para makapagpatayo na rin kami ng aming negosyo.
Ang birthday ko ay December 13, 1969.
Umaasa,
Rod ng Lamao, Limay, Bataan
Dear Rod,
Ayon sa birth date mong 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4) ikaw ay likas na masuwerte sa lahat ng uri nang pakikipagsapalaran lalo na sa number games, at ito ay mangyayari kung ikaw ay laging magsusuot ng kulay pula o dilaw.
Samantala, mapalad ka naman sa lahat ng numero na may sumatotal na 1 at 7, tulad ng 1, 10, 19, 28, 37, 16, 25, 34, 43, at iba pang uri nito. Puwede mo ring subukan ang 1, 17, 28, 34, 44, at 41, gayundin ang 7, 16, 19, 22, 28 at 41. At maaari kang humugot ng kumbinasyon mula sa Cabalistic of Knowledge: 182/ 562/ 341/ 950.
Bukod sa nasabing mga numero, kusa namang iigting ang maganda mong kapalaran tuwing sasapit ang buwan ng Marso, Abril, Hulyo at Agosto.
Susuwertehin ka rin bago dumating ang iyong kaarawan at isang buwan matapos ng iyong birthday. Upang matiyak ang malaking halaga ng panalo, maghanap ka ng lotto outlet na may mahabang pila, at siguraduhin mo na sa iyong pagdating o pagpila ikaw ang pangpito o pangsampu.
Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, at maaaring sa taong kasalukuyan 2023 hanggang sa susunod na taong 2024, sa edad mong 53 hanggang 54 pataas, dambuhalang halaga ng salapi ang iyong mapapanalunan.




Comments