top of page
Search
  • BULGAR

Masuwerteng lotto outlet

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Marso 23, 2024



Dear Maestro,


Ako ay isang kolektor ng pautangan, ang problema, nakadispalko ako ng malaking halaga. Kaya sa sandaling nagkabistuhan, maaaring matanggal ako sa aking trabaho, pero hindi lang ako ang nakinabang dahil kasama ko rin ang supervisor at manager namin.


Sa ngayon, talagang hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko kapag nalaman na ito sa aming opisina at paniguradong masisibak ako. Kapag nagkataon, paano ko naman bubuhayin ang aking apat na mga anak? Madalas kaming tumataya sa lotto ng misis ko, pero hindi naman kami tumatama. 


Maestro, sana mabigyan mo ako ng masuwerteng numero para makasapol kami ng jackpot at mabayaran ko ang pera na nadispalko ko. June 2, 1973 ang birthday ko. 

 


Umaasa, 

Arman ng Baguio City

 


Dear Arman,


Ayon sa birth date mong 2 at nagkataong 2 din ang destiny number mo (7+2+1973=1973/ 19+82=101/ 10+01=1/ 1+1=2), bukod sa sarili mong number na 2, mapalad ka rin sa lahat ng numero na may sumatotal na 1 at 7 tulad ng 1, 10, 19, 28, 37, 7, 16, 25, 34 at iba pang kauri nito. Maaari mo ring subukan ang 1, 20, 34, 36, 40 at 42, gayundin ang 2, 13, 25, 34, 37 at 44. Puwede ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa mga numerong 39812/ 51627/ 97561/ 31342. 


Dagdag pa rito, dahil ang 2 at ang zodiac sign mong Cancer ay may kaakibat na buntalang Moon, dapat sa tuwing tataya ka ay hintayin mo ‘yung pagbilog ng buwan o full moon dahil sa ganu’ng petsa o panahon, malaking suwerte ang matatanggap mo buhat ng langit, higit lalo kung laki o nasa high tide ang tubig sa dagat, ilog o batis. 


Upang matiyak ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na nasisinagan ng bilog na buwan ang bintana. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga ngayong 2025 sa edad mong 51 pataas.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page