Masayang love life, ‘di mararanasan sa ex-bf kaya ‘di dapat maghabol
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 21, 2021
Dear Maestro,
May boyfriend ako noon pero naghiwalay kami at pagkatapos, naging boyfriend siya ng best friend ko. Ngayong sila na, nararamdaman kong mahal pa rin ako ng ex-boyfriend ko at kaya niya ginagawang makipagrelasyon sa iba ay dahil nais niya lang akong pagselosin.
Gusto kong malaman, Maestro, kung muli ba kaming magkakabalikan ng ex-boyfriend ko at mahal pa rin ba niya ako o mas mahal niya na ang best friend ko?
November 19, 2001 ang birthday ko, habang February 12, 1999 naman ang ex-boyfriend ko at October 8, 2001 naman ang best friend ko.
Umaasa,
Ms. Scorpio ng Bagbag, Novaliches, Quezon City
Dear Ms. Scorpio,
Huwag mo nang asahang babalik pa sa iyo ang ex mo na napunta na pala sa best friend mo dahil ang zodiac sign mong Scorpio at Aquarius naman ang ex-boyfriend mo ay nagsasabing hindi naman kayo compatible sa isa’t isa. Sa halip, ang tunay na ka-compatible niya ay ang best friend mo. Ibig sabihin, anuman ang mangyari, mahal man ng ex-boyfriend mo o hindi, ang kasalukuyan niyang girlfriend o ‘yung best friend mo ang kanyang makakatuluyan.
Kaya tulad ng nasabi na, pabayaan mo nang lumigaya sa ibang babae ang ex-boyfriend mo habang hayaan mo namang lumigaya ang best friend mo sa ex-boyfriend mo. Kapag maluwag sa loob mong tinanggap ang mga pangyayari, kapag sila ang nagkatuluyan, hindi ka naman lalabas na kaawa-awa at luhaan dahil binalewala mo nang lahat ang nagdaang relasyon ninyo ng boyfriend mo.
Samantala, sa susunod na pakikipagrelasyon, upang hindi ka na muling iwanan at muling mabigo, humanap ka ng lalalaking ka-tugma at ka-compatible mo talaga.
Sila ang mga lalaking isinilang sa mga zodiac sign na Cancer, Pisces, Taurus at kapwa mo Scorpio, higit lalo silang mga isinilang sa petsang 4, 13, 22, 31, 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25.
Sa piling ng ganyang klaseng lalaki, tiyak ang magaganap – magkakaroon ka na ng panatag at panghabambuhay na relasyon.
Ang nasabing pangyayari kung saan magkakaroon ka na ng panatag at panghabambuhay na relasyon, sa isang lalaking ka-compatible mo talaga kaya hindi ka na niya iiwanan ay nakatakdang maganap sa susunod na taong 2022 hanggang 2023 sa edad mong 21 pataas.




Comments