Masayang love life at negosyo, kahulugan ng hinipan ang trumpeta
- BULGAR
- Mar 23, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 23, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni George ng Davao del Sur.
Dear Maestra,
Nanaginip ako ng trumpeta at hinipan ko ito nang pagkalakas-lakas. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Naghihintay,
George
Sa iyo, George,
Kung ikaw mismo ang nagpatunog ng trumpeta na ayon sa iyo ay hinipan mo nang pagkalakas-lakas, ibig sabihin nito ay magiging masaya na ang love life mo, kumbaga, liligaya ka na sa larangan ng pag-ibig. Hindi lang ‘yan, pati negosyo mo ay magtatagumpay at lalago upang magdagdag ng yaman sa inyong pamumuhay. Mabuti naman at ikaw ang umihip sa trumpeta dahil kung ang trumpetang naturan ay hindi naman ikaw ang nagpatunog, sa halip, narinig mo lang ang tunog, ito ay nangangahulugan ng hindi pagkakasundo sa iyong pinapasukan, pagkalugi sa negosyo mo at pagkapahiya sa mga kaibigan. Kumbaga, malalagay ka sa nakakahiyang sitwasyon dulot na rin ng mga kaibigan mo na hindi mapagkakatiwalaan. Nilinlang ka nila at dinamay sa isang sitwasyong hindi katanggap-tanggap sa lipunan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments