top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Masaya at panghabambuhay na pag-aasawa, nakatakda sa mag-dyowang Sagittarius-Leo

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2023
1 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | November 5, 2023


Dear Maestro,


Medyo may edad na ako ngayon. May boyfriend naman ako at sa katunayan ay inaaya niya na rin akong magpakasal.


Maestro, compatible ba kami? At kung saka-sakaling kami na nga ang magkakatuluyan, maging successful kaya ang bubuuin namin pamilya?


Ang birthday niya ay August 7, 1988 habang December 2, 1990 naman ako.

Umaasa,

Elma ng Mt. View, Mariveles, Bataan

Dear Elma,


Ayon sa zodiac sign mong Sagittarius at Leo naman ang boyfriend mo, kapwa kayo pinaghaharian ng elementong fire o apoy, na nangangahulugang ayon sa Western Astrology tunay ngang tugma at compatible kayo.


Gayundin ang birth date mong 2 habang 7 naman ang boyfriend mo, kung saan, dahil kapwa weak number ang 2 at 7 na kapwa rin may ruling planet na Moon at Neptune, na may elementong water ang nasabing mga numero, hindi lang kayo sa Astrology compatible, dahil maging sa birth date o sa pag-aanalisang pang-Numerology ay swak na swak din kayo para sa isa’t isa.


Ibig sabihin, tugma at suweto talaga ang inyong relasyon, kaya tiyak na kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama, at ayon sa inyong Love Calendar na nakatakdang mangyari at matupad sa susunod na taong 2024 sa edad mong 34, kung saan, ang nasabing pag-aasawa ay nakatakda rin namang humantong sa isang successful at maligayang pagpapamilya habambuhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page