top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Masamang pahiwatig ng nag-road trip at nakakita ng pabo at bulkana

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 26, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerico ng Pampanga.


Dear Maestra,


Isang mapagpalang araw sa inyong lahat.


Napanaginipan ko na hiniram ko ang kotse ng kapatid ko, tapos naisipan kong mag-road trip.


May natanaw akong mga turkey sa daan, tapos may nakita akong bulkan. Pagtapos mag-road trip ay umuwi na ako. Kinabukasan, nag-road trip ulit ako, pero ang ginamit ko ay ‘yung kotse ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?



Naghihintay,

Jerico

Sa iyo, Jerico,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naisipan mong mag-road trip gamit ang kotse ng kapatid mo ay makakaranas ka ng kalungkutan sa darating na mga araw. Ang nakita mong mga turkey sa daan ay nagpapahiwatig na hindi magiging matatag ang binabalak mong negosyo, kaya makakaranas ka ng mahinang kita o maliit ang kikitain mo sa bawat araw.


Ang bulkan na natanaw mo habang nagro-road trip ka ay hindi rin maganda ang ipinahihiwatig. Malalaman ng mga kaibigan mo ang binabalak mong gawin kahit ilihim mo ito sa kanila. May lihim silang inuutusan para subaybayan ka sa mga lakad mo.


Samantala, ang ibig sabihin ng nag-road trip ka ulit kinabukasan gamit ang sarili mong kotse ay may posibilidad na ma-promote ka sa iyong pinapasukan sa kabila ng paninira ng mga kasama mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page