top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Masamang epekto ng krisis dulot ng COVID, mas tumitindi sa mga lalawigan

  • BULGAR
  • Sep 15, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 15, 2021



Lagim ang nararanasan sa ilang lalawigan kaugnay ng krisis sa COVID-19.


Mahirap paniwalaan pero totoo!


◘◘◘


MAY natanggap tayong ulat na naagnas na ang mga labi ng mga pumanaw na COVID positive sa provincial hospital sa lalawigan ng Quezon.


Anubayan?


◘◘◘


MARAMI ang nababahala sa sitwasyon sa Quezon Medical Center.


Sinasabing ang mga labi ng mga pumanaw sa COVID-19 ay pawang nakatiwangwang lamang sa mga pasilyo at naaagnas na dahil sa hindi maayos na pag-aasikaso ng hospital personnel!


◘◘◘


MAY mga nakakuha ng litrato kung saan ang mga bangkay ay ipinasok lamang sa mga body bags at hinahayaang mabulok sa ground floor ng Annex Building ng Quezon Medical Center.


Ayon sa saksi, ang mga nabubulok na labi ay katabi ang mga kwarto na ginagamit bilang silid para sa CT Scan, 2D Echo, at blood bank!


◘◘◘


ABOT-TANAW sa ikalawang palapag ang mga labi at umabot na ang umaalingasaw na amoy ng mga naaagnas na mga patay.


Dito rin sa palapag na ito matatagpuan ang stay-in quarters ng mga nurses na naka-duty at mga silid para sa mga nagpopositibo at nagpapagaling sa COVID-19!


◘◘◘


SA third floor naman, kung saan tanaw pa rin ang naturang sitwasyon sa ibaba ng gusali ay matataggpuan ang mga opisina tulad ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), Department of Health (DOH), at ilan pang tanggapan.


Isang malaking kahihiyan ito at dapat aksiyunan ng provincial government ng Quezon!


◘◘◘


AYON sa DILG-DOH Joint Memorandum Circular No. 1 Series of 2020, hindi maaaring patagalin ng higit 12-oras ang labi ng isang taong pumanaw sa sakit na COVID-19 bago isagawa ang pagsunog o pag-cremate rito.


Ito ay dahil sa makokontamina ang paligid!


◘◘◘


SAKALING walang nagke-claim na kaanak, inaatasan ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng agarang pagproseso ng libing o cremation.


Ayon sa insider, nagpatawag ng pagpupulong ang gobernador ng probinsiya na si Governor Danilo Suarez hinggil sa nabanggit na sitwasyon sa Quezon Medical Center!


◘◘◘


MATAPOS ang papulong ng gobernador, tila walang malinaw at kongkretong solusyon na nailatag.


Mistulang amateur ang desisyon at aksiyon ng gobernador na ikinababahala ng mamamayan!

◘◘◘


BATAY sa latest report ng probinsiya ng Quezon noong Setyembre 12, nakapagtala ng panibagong 153 COVID cases ang probinsiya:


Kabilang ang Catanauan – 6, Dolores – 1, Guamaca – 20, Patnanungan – 5, Polilo – 3, Sariaya – 12, Tagkawayan – 6, Burdeus – 7, Calauag – 7, Candelaria – 10, Dolores – 2, Gen Nakar – 4, Infanta – 11, Lucena – 30, Pagbilao – 11, Real – 14, at San Antonio – 4.


◘◘◘


UMABOT na sa 18, 701 ang gumaling sa sakit habang 1,079 naman ang nasawi dahil sa COVID-19 sa probinsiya ng Quezon.


Umaasa ang mga taga-Quezon na maaaksiyunan agad ni Gov. Suarez ang krisis upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page