top of page

Masaganang buhay, kahulugan ng nagpatayo ng bahay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 18, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 18, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loida ng Marinduque.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagpatayo ako ng bahay sa bakanteng lote na malapit sa kapitbahay namin. May malaking puno ng mangga sa bakuran, tapos andaming nag-aawitang ibon na nakadapo sa puno at ang ganda ng huni ng mga ito. Maya-maya, nagliparan na sila papalayo, tapos may naiwang isa na bali ang pakpak at kalaunan ay namatay din ito. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,


Loida


Sa iyo, Loida,


Ang ibig sabihin ng nagpatayo ka ng bahay sa bakanteng lupa malapit sa kapitbahay mo ay tagumpay sa negosyo at kasaganaan sa buhay. Ito rin ay nangangahulugan na sinuman ang karelasyon mo ngayon, matutuloy ang balak ninyong pagpapakasal.


Samantala, ang mga ibon sa iyong panaginip ay nangangahulugan na posibleng mag-travel ka sa abroad para sa negosyo, subalit maaaring hindi maging maganda ang paglalakbay mo dahil maraming sagabal ang iyong kakaharapin. ‘Yan ang ipinahihiwatig ng patay na ibong naiwan nang mag-alisan ang kawan ng ibon sa puno ng mangga.


Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page