ni Beth Gelena @Bulgary| July 31, 2024

Tatlong buwan na ang nakakaraan nang mapabalitang isinugod sa hospital si Senador Chiz Escudero. Hindi pa siya ang Senate President that time.
Kumalat online ang balita, pero pinabulaanan ito ng kampo ng senador.
Hindi ipinasabi kung ano ang rason ng pagkakaospital niya pero okay na raw siya ngayon at itinalaga bilang Senate President.
May rumors din na kumakalat na na-heart attack ang pulitiko at may nagsasabing na-stroke ito. Balita pa ngang inilipad siya mula Sorsogon papuntang St. Luke’s Hospital.
Guest ni Kuya Boy Abunda ang misis ni Senate President Escudero na si Heart Evangelista sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.
Sa panayam ng King of Talk, nakumusta ng TV host ang kalagayan ng senador.
“How is your husband now?”
Sagot ni Heart, “He is super good.”
Pero, inamin niyang may episode pa sa kanya ang health scare. Nagsilbi raw itong wake-up call kung gaano kaimportante ang health.
“And now he’s doing very, very good, everything perfect—and I make sure perfect,” wika ni Heart.
Hindi naman na niya ipinaalam kung ano ang specific reason ng “scary episode” na kanyang binabanggit.
Naging emosyonal din si Heart at sinabing mas okey pa kung siya ang mamamatay kaysa mag-suffer sa pagkawala ng asawa na si Chiz.
Very vocal pa niyang sinabi na hindi niya kakayanin kung may mangyayari sa kanyang asawa.
Samantala, muling nag-renew ng kontrata si Heart Evangelista sa GMA-7. Ito raw ang kanyang biggest contract at grateful daw siya sa opportunity na ibinibigay ng Kapuso
Network sa kanya.
IBINAHAGI ni RR Enriquez ang kanyang opinyon hinggil sa pag-flex ng yaman sa socmed (social media).
Para kay RR, nakaka-inspire raw ang makakita ng mga posts ng mga bagay na nabili ng mga celebrities o ordinaryong tao.
“Ang nakakairita is ‘yung alam mo na nagyayabang lang,” aniya sa kanyang Instagram (IG) page.
Para sa kanya, nakaka-inspire ang makakita ng mga posts ng mga celebrities o ordinaryong tao na ipinapakita ang mga bagay na nabili nila, tulad ng mga bags, sapatos, relo, kotse at bahay.
Lalo raw siyang nai-inspire sa mga taong galing sa hirap na yumaman, maging ang mga mayaman na lalong yumayaman.
Pahayag pa ng aktres-dancer, “Sa halip na mainggit, dapat gawin itong inspirasyon para magsikap sa buhay.”
Sinabi rin niya na nakakairita ang mga taong alam mong nagyayabang lang. Ibinigay niya bilang halimbawa ang mga taong mahilig mag-post ng halaga ng kanilang mga binibili, tulad ng amount ng grab food o grocery shopping, na para bang unang beses pa lamang nilang makapag-order o makapag-grocery.
Dagdag pa ni RR, may mga tao rin na ipino-post ang kanilang bill sa mga restaurant at ipinagmamalaki pa ang halaga ng kanilang binayaran. Wala naman daw masama sa pag-flex, nararamdaman din naman kasi ng mga tao kung nagyayabang na lang kasi ang isang tao.
Binigyang-diin din ni RR Enriquez na kung talagang nais magyabang ng isang tao, dapat handa rin silang tawaging mayabang at hindi mayaman.
After hiwalayan…
RICO, PINASALAMATAN SI MARIS, SPECIAL MENTION PA

PINASALAMATAN ni Rico Blanco ang mga taong tumulong sa kanya sa bagong areglo ng sikat nilang kantang Kisapmata. Kasama ang pangalan ng kanyang ex-girlfriend na si Maris Racal sa mga na-mention ni Rico.
Sina Rico at Maris ay naghiwalay pagkatapos ng limang taong relasyon. Mismong ang young actress/singer ang nag-reveal ng kanilang breakup ng vocalist ng Rivermaya.
Ironically, ang kantang Kisapmata ay tungkol sa magkasintahang naghiwalay.
Ani Rico, “Special Thanks: Mark Escueta (Guitar Amp) Maris Racal (Telecaster) Marco Bachini (Acoustic Guitar) Zild Benitez (12-string Guitar).”
Comments