top of page
Search
  • BULGAR

Mas matinding COVID-19 nasa bansa na, ingat pa more!

@Editorial | January 15, 2021



Kinumpirma ng Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center (PCG) na mayroong na-detect na unang kaso ng B.1.1.7.SARS-CoV-2 variant (UK variant) sa Pilipinas.


Positibo sa bagong variant ng COVID-19 ang isang Pinoy na dumating mula sa United Arab Emirates (UAE) noong January 7.


Umalis patungong Dubai ang lalaki, residente ng Quezon City, noong December 27, 2020 para sa negosyo.


Kasama nito ang kanyang partner sa buong trip na nagnegatibo naman sa SARS-CoV-2 pagkadating ng bansa.


Kapwa walang exposure ang dalawa sa kumpirmadong kaso bago ang pag-alis patungong Dubai. Wala rin itong travel activities sa labas ng Quezon City.


Agad namang nagkasa ng contact tracing upang maiwasan ang pagkalat pa nito.


Kaugnay nito, patuloy ang panagawan sa publiko na mahigpit na sundin ang minimum public health standards at quarantine protocols.


Kung sinasabi man na mas matindi ang nasabing variant dahil sa mas mabilis kumalat, sa ngayon wala tayong ibang dapat gawin kundi ang mas umiwas sa kagagala at paglabas nang wala suot na face mask.


Dapat ding mas palakasin ang contact tracing upang mas makontrol ang pagkalat ng virus.


Huwag nating pangarapin na bumalik sa mas mahigpit na community quarantine dahil hindi pa nga tayo lubusang nakakabangon, malulumpo na naman.


Patunayan nating may mga natutunan na tayo sa halos isang taong pandemya.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page