top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mas matatag na “Juan” sa 2021!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 2, 2020
  • 1 min read

@Editorial | December 2, 2020



Mapapagod pero, hindi susuko!


Masyado tayong sinubok ng taong 2020 — kalamidad, pandemya, trahedya, walang katapusang gulo sa pulitika, bagsak na ekonomiya.


Talagang binagyo tayo ng mga problema at maraming nagsakripisyo, namatay at meron ding hanggang ngayon ay lumalaban.


Nakakapagod, nakapanghihinayang at nakakatakot. Paano na ang buhay? Paano natin haharapin ang 2021? ‘Ika nga, habang may buhay, may pag-asa. Kapag napagod, puwedeng magpahinga, ‘pag medyo nakabawi na, laban ulit.


At hindi natin ito kakayaning mag-isa. Palaging kailangan ng kaagapay. Unang-una, ang pamilya. Walang ibang unang magdadamayan kundi tayong mga nasa loob ng tahanan. Sana itong lockdown ay nagdulot ng maraming aral sa atin bilang magulang, anak at kapatid.


Ngayon din ang panahon na higit na kailangan ang tunay na serbisyo-publiko. Nakapanlulumo na habang dumaranas ang bayan ng kaliwa’t kanang pagsubok ay kani-kanya rin sa pamumulitika ang mga pasaway na opisyal. Makonsensiya naman kayo.


Hindi rin sapat na ako o ikaw lang ang nagsisikap na makabangon, kailangan ng pagkakaisa ng lahat. At ayon nga sa tema natin ngayong ika-29 anibersaryo, Sama-samang babangon… sa 2021!


Babawi tayo sa susunod na taon at magiging mas matatag pa, mas may pagpapahalaga sa buhay, sa kapwa at higit sa lahat, mas may pananalig sa Diyos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page