top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mas maraming Pinoy, nagdusa sa gutom noong Disyembre 2023 — SWS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 23, 2024




Nakaranas ang mas maraming Pilipino ng ‘involuntary hunger’ noong Disyembre 2023 kumpara sa tatlong buwan na nakalipas, ayon sa isang pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS).


Ayon sa survey, natuklasan na 12.6 porsyento ng mga Pilipino ang nakaranas ng ‘involuntary hunger’ noong Disyembre 2023, na bahagyang mas mataas kaysa sa 9.8 porsyento noong Setyembre ng parehong taon.


Sa naturang bilang, sinabi ng 11.2 porsyento sa mga respondente na nakaranas sila ng katamtamang gutom habang nakaranas naman ang 1.4 porsyento ng matinding gutom.


"Tinanong namin yung household head kung ang pamilya ba nila ay nakaranas ng gutom o involuntary hunger nitong nakalipas na 3 buwan," pahayag ni Leo Laroza, ang SWS Director for Communications and Information Technology.


Biglang pumalo ang taggutom sa Mindanao mula 6.7 porsyento noong Setyembre hanggang 12.0 porsyento noong Disyembre.


Tumaas din ang ‘involuntary hunger’ sa mga lugar sa Luzon maliban sa kabisayaan at rehiyon sa labas ng Kalakhang Maynila, habang bumaba naman ang bilang sa Metro Manila.


Bahagyang mas mababa ang average rate para sa buong taon ng 2023 kumpara sa 2022, ngunit mas mataas pa rin kaysa sa panahon bago ang pandemya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page