top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mas maraming paaralang sasabak sa F2F classes, dapat safe!

BULGAR
Apr 21, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | April 21, 2022


Nais ng Department of Education (DepEd) na masimulan sa Agosto 22 ang susunod na school year.


Bagama’t magiging blended learning pa rin, target ng kagawaran na mas marami pang paaralan na makapagdaos ng limitadong face-to-face classes.


Paliwanag ng DepEd, magkakaroon ng 11 linggo sa bawat quarter ng academic year.

Ang first quarter ay mula Agosto 11 hanggang Nobyembre 4, 2022; second quarter ay mula Nobyembre 7, 2022 hanggang Pebrero 3, 2023; ikatlong quarter ay mula Pebrero 13 hanggang Abril 28, 2023, at ang huling quarter ay mula Mayo 2 hanggang Hulyo 7, 2023.


Gayunman, ang Christmas break ay magsisimula sa Disyembre 19, 2022 at magbabalik ang klase sa Enero 2, 2023. Habang ang mid-year break ay mula Pebrero 6 hanggang 10, 2023. Ang end-of-year rites naman ay gagawin mula Hulyo 10 hanggang 14, 2023.


Sa totoo lang, nakatutuwang mas maraming paaralan ang magbubukas para sa limitadong in-person classes dahil ibig sabihin, mas maraming mag-aaral ang magbabalik-klasrum.


Pero bago ang lahat, hangad nating magkaroon ng patas at malinaw na panuntunan sa pagbubukas ng panibagong school year.


Lalo na ngayong bukas na ang maagang pagpapatala para sa School Year 2022-2023, kung saan may mga ulat diumano na hinihingan ng paaralan ang mga mag-aaral ng proof of vaccination bago mailista sa in-person schooling.


Habang tinitiyak nating magiging ligtas ang panibagong school year, ‘wag sana natin kalimutang maging patas. Tandaan, karapatan ng bawat kabataan na makapasok sa paaralan, bakunado man sila o hindi.


Isa pang pakiusap sa mga kinauukulan, sana’y matugunan na rin ang iba pang problemang lumutang sa mga unang yugto ng pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page