Mas mabigat na parusa vs mga ‘epal’ na pulitiko, dapat nang ilatag — SILG Remulla
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Info @News | January 13, 2026

Photo: Jonvic Remulla - FB
Panahon na umano upang gumawa ang mga mambabatas ng mas mabigat na parusa laban sa mga pulitikong lumalabag sa Anti-Epal provision ng General Appropriations Act (GAA), ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla.
Aniya, suspensyon pa lamang umano ang ipinapataw sa mga opisyal na naglalagay ng kanilang pangalan, logo, o larawan sa mga proyektong pinondohan ng pamahalaan.
Kaugnay nito, hinimok din ni Remulla ang publiko na iulat agad sa DILG ang mga mahuhuling gumagawa ng nasabing paglabag.








Comments