Mas kailangang-kailangan ka ngayon... 6 na paraan para madamayan ang kaibigang nawalan ng trabaho
- BULGAR

- Sep 3, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 3, 2020

May kaibigan ka ba na kamakailan lang ay nawalan ng trabaho? Mahirap tanggapin ang ganitong estado, dismayado at nalulungkot. Heto ang ilang ideya para matulungan ang kaibigan sa ganitong kahirap na sitwasyon.
1. Makinig. Hayaang mailabas ng kaibigan ang kanyang problema sa matama mong pakikinig. Minsan, ang mga kaibigan ay hindi lang payo ang gusto kundi ang may maiiyakang balikat. Para kasing isang malaking kabiguan at pag-aalala sa buhay kung paano matutugunan ang kakulangan sa pinansiyal sa pagkawala ng trabaho.
2. Mag-alok sa kaibigan ng tulong na hanapan siya ng trabaho. Tulungan siya sa susunod niyang gagawin, i-post ang kanyang resume sa social media o ang hanapan siya ng trabaho sa mga advertisement sa diyaryo.
3. Patawanin ang kaibigan sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang ikinasisiya gaya ng gusto niyang palabas na pelikula, pagkain at dahil mahirap maglalabas at humalo sa maraming tao dahil sa COVID-19 ay yayain na lang siyang magbisikleta. Mga aktibidad na makalilimot sa kanyang pag-aalala ng mga problema ay makatutulong na.
4.Maging positibo. Negatibo siya ngayon, kailangang mas positibo ka sa buhay, sinasabi at mga pananaw para mabawasan ang kanyang kalungkutan. Kapag nakalimot na siya sa problema, ikaw pa rin ang hahanapin ng kaibigan para hindi na siya ma-depress muli.
5. Tulungan ang kaibigan na makita ang oportunidad na ito. Ang masabi mo na, "Minsan isang pinto man ang magsasara, may bintana namang bubukas." Hikayatin ang kaibigan na gawin ang oportunidad na ito para magkaroon siya ng bagong interes sa gagawin at magsimulang muli ng bagong trabaho.
6. Kung problema na niya ang pera, mag-ingat din sa pagpapautang sa kanya dahil wala siyang trabaho. Kung kailangan niya talaga, asahan na matagal pa niya itong mababayaran. Alalahanin ninyong nakasisira ng pagkakaibigan ang pera.








Comments