top of page
Search
  • BULGAR

Mas gusto na lang daw mag-travel…

ALI, TODO-DENY NA DAHIL SA SIBUYAS KAYA NAG-RESIGN SA RADIO SHOW NILA NI IGAN

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 16, 2021




Umalis na pala si Ali Sotto sa radio program nila ni Arnold Clavio sa DZBB, ang Double A sa Double B.


Pero, nilinaw niyang hindi dahil sa sibuyas kaya siya umalis kundi hindi na niya ini-renew ang kanyang kontrata sa GMA-7.


Hindi na nagbigay pa ng detalye ang former singer-cum anchorwoman sa dahilan ng kanyang pag-alis, basta wala raw itong kinalaman sa unang lumabas na dahil sa sibuyas na ipinadala sa kanya sa show na ipina-pickup niya sa staff. Ang babaw naman daw na dahilan nu'n.


Sa ngayon, mas gusto na lang daw munang mag-travel ni Ali. May mas malalim daw na dahilan kung bakit umabot siya sa ganu'ng desisyon pero ayaw niya nang mag-elaborate bilang respeto sa pinaglingkuran niyang network.


“Mas gusto ko ‘yung traveler talaga. ‘Yung dalawa o tatlong buwan ka sa isang lugar, hindi ‘yung ilang linggo lang na turista ka. Ayoko ng ganu'n,” sambit ni Ali.


Isang netizen naman ang nagkomento, "Hmmm.. 'di kaya balat-sibuyas lang si Ali?"

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page