Mas bagay daw na action star… RURU, PALIT KAY DAVID SA SERYE
- BULGAR

- Jul 17
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 17, 2025
Image: Ruru Madrid - IG
May kasunod agad na series si Ruru Madrid sa GMA-7. Ito ay kung totoo ang balita na siya na ang magbibida sa action series na Hari ng Tondo (HNT).
Matatandaan na unang nabalitang si David Licauco ang napili na magbida sa project at inakalang final na ‘yun. Walang update sa series hanggang mabalita na lang na pinalitan ni Ruru si David.
Wala pang official na announcement ang network dito, kaya lang, parang sure na sure ang nagbabalita.
Marami ang pumabor na ibigay kay Ruru ang project dahil mas bagay sa kanya ang action. Ang comment lang, tila mabilis dahil katatapos lang ni Ruru ng Lolong, at hindi pa naka-move on ang mga viewers sa role niya rito.
Sana raw, next year na ito ipalabas, ‘yung makakalimutan muna ang last project ni Ruru.
May mga nag-comment naman na sana sa ibang Kapuso actors naman ibigay ang HNT pero paano mae-establish ang pagiging action star ng actor kung bibigyan siya ng project na iba ang genre?
Nakakapagdrama pa rin naman siya kahit action ang ginagawa at nakakapag-comedy din.
As for David, wala pang balita kung ano ang susunod niyang project sa GMA at ang balita, magge-guest siya sa Beauty Empire (BE) nina Barbie Forteza, Kyline Alcantara at Ruffa Gutierrez.
Nagbenta ng dating kotse…
DANIEL, BUMILI NG P5 M LAND CRUISER
PAGKATAPOS ni Alden Richards, si Daniel Padilla naman ang pupunta sa London para sa Barrio Fiesta London 2025. July 20 ang schedule ni Daniel at sa Sunday na ‘yun. Ibig sabihin, any day now, lilipad na si Daniel and his team.
Naghahanda na si Daniel para sa gagawing show sa London.
Naaliw lang kami sa request ng mga fans na iba na ang kantahin ni Daniel at hindi na ‘yung Hanggang Kailan para walang maging assuming.
Nabalita kasing nag-adlib si Daniel at may isiningit na, “Congrats!” sa lyrics. Ang dating sa mga netizens, para sa ex niya ang “congrats” dahil nga nali-link si Kathryn Bernardo kay Lucena Mayor Mark Alcala.
Samantala, masaya ang mga fans ni Daniel sa bagong car ng aktor. Bumili ito ng 2025 Land Cruiser 76 na ayon sa Google ay more than P5M ang worth.
Sabi ng basher ni Daniel, kinailangan niyang magbenta ng isa niyang car para makabili ng Land Cruiser.
Sagot ng mga fans ni Daniel, naunang nakabili ng Land Cruiser si Daniel bago ibinenta ang isa niyang car, kaya mali raw ang narrative ng mga bashers nito.
Basta para sa mga supporters ng aktor, deserve niya ang bagong kotse.
Matagal nang break sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, pero tuloy pa rin ang away ng kani-kanyang fans nila. Pati sasakyan, pinag-aawayan, mabuti kung pinasasakay sila.










Comments