Marital rape, sexual violence at child abuse…PATUNG-PATONG NA KASO KAY SUPER TEKLA

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 22, 2020

Patung-patong na kaso ang maaaring kaharapin ng komedyanteng si Super Tekla (Romeo Librada in real life) kapag napatunayang may katotohanan ang mga akusasyon ng kanyang live-in partner at ina ng kanyang pangalawang anak na si Michelle Lhor Bana-ag.
Dumulog sa Raffy Tulfo In Action show ni Raffy Tulfo sa TV5 nu'ng Martes ang live-in partner ni Super Tekla para ireklamo ang diumano'y ginagawang pang-aabuso sa kanya ng komedyante na ayaw siyang bigyan ng perang pambili ng mga pangangailangan nila sa bahay kapag hindi siya pumapayag na makipag-sex dito.
Umiiyak ding ikinuwento ni Michelle kay Raffy na tatlong beses na siyang pinilit ni Tekla na makipag-sex sa kabila ng masama niyang pakiramdam.
Dagdag pa niya, kapag hindi naman siya napapapayag ni Tekla na makipag-sex, nagma-masturbate na lang diumano ito, pero ang masama, sa harap daw ng mga bata at mga pamangkin niya ginagawa 'yun ni Tekla at may nabanggit pa siyang pinatatalsik diumano ng komedyante ang sperm nito sa kanyang mga pamangkin.
Inamin din ni Michelle na dahil sa mga pinagdaraanan kay Tekla ay nade-depressed na siya at gusto nang makipaghiwalay dito.
Tinanong din ni Raffy si Michelle kung may bisyo raw ba si Tekla kaya nagagawa ang lahat ng ito, at pag-amin ng babae, last year pa tumigil ang komedyante sa masamang bisyo.
Ayon sa abogadong guest sa Raffy Tulfo in Action, kung mapapatunayan ang mga ibinulgar ni Michelle, maaaring maharap si Tekla sa kasong marital rape, sexual violence, child abuse at acts of lasciviousness.





Comments