BBM nagpasalamat sa endorsement ng partido ni Villar
- BULGAR
- Mar 30, 2022
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | March 30, 2022

Pinasalamatan ni Presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. nitong Martes ang Villar-led Nacionalist Party sa pag-endorso sa kanyang kandidatura at sinabing nagkakaisa na ang kanyang mga kaibigan at kaalyado.
“Of course, I’m very happy every time that mayroon tayong nakukuhang suporta, lalung-lalo na sa pinanggalingan naming partido, ang Nacionalista Party,” aniya sa isang interview.
“Mabuti ‘yan at lahat ng kaibigan at lahat ng kaalyado ay ngayon mukhang nagsama-sama na. Maliwanag na ang patakbo sa kampanya at sa halalan,” dagdag pa ni Marcos.
Pinasalamatan din ni Marcos ang pamilya Villar —former senator Manny, incumbent senator Cynthia, at senatorial candidate Mark — sa kanilang suporta para sa kanya at sa kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Inanunsiyo ni NP party president at chairman ng national directorate Manny Villar nitong Martes ang pagsuporta ng kanilang Partido sa Marcos-Duterte tandem, kung saan suportado umano nila ang mensahe ng pagkakaisa ng UniTeam.
“We believe that Bongbong and Inday Sara’s message of unity is crucial in binding our country together and inspiring our people as we rebuild not only from the pandemic but also from the political chasm that divides us,” ani Villar.
Ayon pa sa kanya, ang tandem ay mayroong “platforms of government, qualifications and track record to lead our country towards unity and prosperity”.
Ang anak ni Villar na si former public works secretary Mark Villar ay tumatakbo bilang senador sa ilalim ng Marcos-Duterte tandem.
Comments