top of page

Whistleblower, sinungaling, papatayin ako — Atong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 days ago
  • 2 min read

ni Mylene Alfonso @News | July 4, 2025



File Photo: Atong Ang - Senate PH


Sinampahan na ng reklamo ng negosyanteng si Charlie 'Atong' Ang ang dati niyang tauhan na si Julie 'Dondon' Patidongan, alyas Totoy, nang tinangka umano siyang kikilan ng P300 milyon kapalit ng pananahimik sa kaso ng nawawalang mga sabungero.


Sinamahan si Ang ng kanyang abogado na si Atty. Lorna Patajo-Kapunan, sa paghahain ng reklamo sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office, laban kay Patidongan, na isa sa mga akusado sa kaso ng nawawalang mga sabungero na nais nang maging testigo.


Kasabay nito, nagbigay din ng mensahe si Atong para kay Patidongan. “Ang masasabi ko lang, mag-isip ka Don. Kung anuman ang mga... huwag ka nang magsinungaling nang magsinungaling. Itinuring kitang parang anak ko, e. Kung alam ko lang na ganyan ka kasama… pati ako papatayin mo pa, kikidnapin mo pa ako.”


Una rito, ibinunyag ni Patidongan na nagtago noon sa alyas Totoy, na si Ang at

dalawang iba pa ang utak umano sa pagpatay sa nasa 100 nawawalang mga sabungero

mula pa noong 2021.


Idinawit din niya sa alegasyon ang aktres na si Gretchen Barretto, na may nalalaman din umano sa krimen.


Inireklamo ni Ang si Patidongan ng conspiracy to commit attempted robbery with violence against or intimidation of persons, grave threats, grave coercion, slander, at incriminating against innocent persons.


Bukod kay Patidongan, kasama rin sa reklamo ang isang alyas Brown, na dati rin umanong empleyado ni Ang.


Muli namang itinanggi ni Kapunan ang mga alegasyon laban sa kliyente niyang si Ang.


“The reason na nandito kami and the reason why we filed the case is because, number one, for the truth to come out. Number two, to affirm that Atong Ang and the members of the… group are willing to cooperate with the government,” sabi ni Kapunan sa press briefing.


“That includes the President, that includes the Supreme Court, and that includes the Secretary of Justice and all the personnel,” wika niya.


Sinabi pa ni Kapunan na nasa panig sila ng hustisya at ng mga pamilya ng nawawalang mga sabungero.


Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page