Marcos Admin, natutulog sa pansitan, OFWs sa Sudan ipit na sa giyera
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | April 24, 2023
PAG-AMIN NI P-BBM NA MAHIRAP ILIKAS ANG MGA PINOY SA CIVIL WAR SA SUDAN, PARANG SINABING BAHALA NA MGA OFWs SA BUHAY NILA—Inamin ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na mahirap nang mailikas pa pauwi sa bansa ang may 300 OFWs (overseas Filipino workers) na naiipit ngayon sa civil war sa bansang Sudan.
Nakakalungkot naman dahil parang sinabihan na rin ng Pangulo ang may 300 OFWs na bahala na sila sa kanilang buhay – bahala na silang iligtas ang kanilang mga sarili sa civil war sa Sudan. Boom!
◘◘◘
MABAGAL ANG AKSYON NG MARCOS ADMIN KAYA NAIPIT SA CIVIL WAR ANG MAY 300 OFWs— Pebrero ngayong taon nang mag-umpisang maggirian at magkaroon ng tensyon sa pagitan ng Sudanese Armed Forces at Rapid Support Forces, at sa panahon na ‘yan ay bukas pa ang mga airports sa Sudan.
Kung sana sa panahong ‘yan ay umaksyon na ang pamahalaan na ilikas ang mga OFW sa bansang ito, hindi sana naiipit ngayon sa civil war sa Sudan ang mga Pinoy workers.
Ang nais nating ipunto rito ay mabagal ang aksyon ng Marcos administration. Kung kailan wasak na ang mga airports dulot ng civil war at wala nang makakalapag na eroplano rito, saka magpapabida na gusto raw ng Philippine government na iligtas mga OFWs, kaya lang, wala na umano silang magagawa dahil masyado nang malala ang civil war sa Sudan. Tsk!
◘◘◘
PANGAKONG LULUTASIN ANG PROBLEMA SA SUPPLY NG KURYENTE SA OCCIDENTAL MINDORO, PANGAKO LANG PALA NI P-BBM—Noong campaign period sa 2022 Presidential Election, ang promise ng noo’y presidential candidate Bongbong Marcos ay sosolusyunan niya ang problema sa kuryente sa Occidental Mindoro.
Ang problema, pramis lang pala ito dahil makalipas ang siyam na buwan ng pagkapanalo ni si P-BBM, napako na ang kanyang pangako dahil hanggang ngayon, may krisis pa rin sa suplay ng kuryente ang Occidental Mindoro, period!
◘◘◘
PAGTALAGA NI P-BBM SA ANAK NI EX-DOTr SEC. ART TUGADE SA LTO, SABLAY!—Masasabing sablay ang pagtalaga ni P-BBM sa anak ni dating Department of Transportation (DOTr) Sec. Art Tugade, na si Jay Art Tugade bilang hepe ng Land Transportation Office (LTO).
Dati kasi ay plastic ID (identification) card ang iniisyung driver’s license ng LTO, pero mula nang maging head nito si Jay Art Tugade, papel na ang iniisyung ID sa mga nagre-renew at mga bagong kumukuha ng lisensya sa LTO. Buset!





Comments