top of page

Marami na raw natutunan sa mga ex-BF… KC, LALAKING-LALAKI ANG GUSTONG MAPANGASAWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 31
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 31, 2025



FRANKLY-DENNIS, PROUD NA MAY PERA NA DAHIL KAY JENNYLYN_FB Dennis Trillo

Photo: KC Concepcion



Aa the age of 40, tahasang sinabi ni KC Concepcion na sobrang ready na siya na mag-asawa.


Ang aktres ang guest ni King of Talk Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) sa mismong araw ng kaarawan niya last October 29.

Isa sa mga napag-usapan nila ay ang paglagay sa tahimik, at aminado naman si KC na gusto na niyang i-share ang kanyang buhay sa taong kanyang mamahalin.


“I am ready to share my life with someone. I think I’ve enjoyed my life so much that gusto kong i-share to someone na deserving,” aniya.


“And I think, natuto rin akong magmahal through the years. With every relationship na dumating sa buhay ko, natuto talaga akong mag-trust at magmahal.


“Natuto ako kung ano ‘yung weaknesses ko, kung saan ako nagkukulang, kung saan ako puwedeng mag-improve, kung ano ‘yung mga takot ko dati,” dagdag niya.


When it comes to pagmamahal, ani KC, sabi raw ng kanyang inang si Sharon Cuneta ay matiyaga raw siya. Matagal daw bago siya kumalas sa isang relasyon at talagang pinag-iisipan niya nang husto. Pero kapag umayaw daw siya, talagang ayaw na niya at nagmu-move on na agad.


Nahilingan din siya na i-describe ang kanyang Mr. Right o ang hinahanap niyang katangian sa kanyang mapapangasawa, at inisa-isa ng dalaga ang kanyang mga requirements.


“Preferably po, someone na kilala ko na po, preferably someone po na maalaga and provider po, na mararamdaman ko po na lalaking-lalaki s’ya at babaeng-babae po ako,” aniya.


Nilinaw naman agad ni KC na wala pa naman daw siyang nahahanap, at kung meron na raw ay iaanunsiyo niya at hindi naman daw niya itatago.

“I think he’s just there. I think the love that I will end up with and that I will marry is just waiting there for me,” aniya.



UMANI ng papuri sina Sparkle artists Martin Del Rosario at Migs Almendras sa katatapos na Cinesilip Film Festival awards night.


Wagi si Martin bilang Best Actor para sa pelikulang Haplos sa Hangin (HSH). Ang pelikulang ito rin ang nakakuha ng 3rd Best Film, Best Screenplay, at Best Musical Score.


Nanalo naman bilang Best Supporting Actor si Migs na gumanap bilang si Maki para sa pelikulang Dreamboi.


Komento ni Migs sa kanyang Facebook (FB) post nang may magtanong kung umaasa siyang makakuha muli ng isa pang award sa upcoming film, “I’m at this stage in my life where I’m just enjoying and having a great time. Bonus na lang ‘yung ganu’n for me, I guess.”


Magkasama rin ang dalawang aktor sa pelikulang Multwoh (Patay na Patay Sa ‘Yo), isa sa mga official entries para sa Puregold CinePanalo Film Festival 2026.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page