top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mapalad na kulay, araw at buwan para sa bebot upang guminhawa ang buhay, alamin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 1, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | October 01, 2023


Dear Maestro,


Wala pa akong boyfriend dahil may pinag-aaral pa akong kapatid. Kapag nakapagtapos na siya, puwede na umano akong mag-boyfriend at mag-asawa para maayos ko naman ang aking future.

Kaya lang, madalang na ang mga nanliligaw sa akin, hindi tulad dati na marami akong manliligaw. Maestro, makakapag-asawa pa kaya ako? At sino ang mga lalaking ka-compatible ko na dapat kong mapangasawa para magkroon din ako ng isang masaya at panghabambuhay na pagpapamilya?

Pangarap ko rin sanang mangibang-bansa, may tsansa kaya akong makaalis kung saka-sakaling maisipan kong mag-apply sa abroad?

Gusto ko ring malaman, Maestro, kung ano ang aking mapalad na petsa, araw at buwan? Ang birthday ko ay December 14, 1989.

Umaasa,

Andrea ng San Antonio, SJDM, Quezon City


Dear Andrea,

Ang birth date mong 14 o 5 (ang 14 ay 1+4=5) ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay ang posibleng mangyari sa iyong kapalaran; una, makakapag-asawa ka ng mayaman, pangalawa, makakapag-abroad ka, at kikita ka rito ng malaking halaga hanggang sa tuluyan ka na ru’n manirahan.

Kaya kung may nanliligaw sa iyo na isang lalaking mayaman o may kaya sa buhay, kahit na hindi mo siya gaanong gusto, kung ang lalaking ito ay may birth date na 3, 21, 30, 7, 16, 25, 5, 14, 23, 9, 18, at 27, tiyak ang magaganap, ang nabanggit na lalaki ang posible mong

mapangasawa na sa bandang huli, siya na rin ang makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Kung walang lalaking nanliligaw sa iyo ngayon, sa susunod na taong 2024 o 2025 ka matutuloy sa abroad. At tulad ng nasabi na, sa ibang bansa ka makakasumpong ng isang masagana, at mabungang hanapbuhay, upang sa bandang huli, tulad ng naipaliwanag na, sa pagyaman pa rin hahantong ang iyong karanasan at maaari ngang sa Canada, New Zealand o sa ibang bansa ka na rin tuluyang manirahan, makapag-asawa at magkaroon ng isang maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya.

Mapalad ka naman sa kulay na powder blue, silver, yellow at red, higit lalo sa petsang 5, 14, 23, 3,12,21, 30, 6, 15,24, 9, 18 at 27, partikular sa mga araw na Martes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes. Kusa namang iigting ang iyong mabuting kapalaran sa buwan ng Abril hanggang Mayo, at Oktubre hanggang Disyembre.

Habang ayon sa Decadens ng Kapalaran, nakatakda na ang magaganap, sa susunod na taong 2024 hanggang 2025, magsisimula ng dumating sa buhay mo ang magandang kapalaran, sa nasabing panahon sa edad mong 36 pataas, magiging maligaya ka rin sa larangan ng career at pag-ibig hanggang sa tuluyang matupad ang pangarap mo sa buhay na makapag-abroad, manirahan sa ibang bansa at du’n ka rin nakatakdang magkaroon ng isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pamilya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page