top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Manraraket sa Albay, umatake agad paglabas ng bagyo

  • BULGAR
  • Nov 2, 2022
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 2, 2022


PAYO KAY P-BBM NA I-REJECT ANG STATE OF CALAMITY, SABLAY—Kung sinuman ang nagpayo kay Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., na tablahin ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na magdeklara ng national state of calamity ay sablay 'yan.


Malaking bahagi ng bansa ang apektado ng Bagyong Paeng, kaya't dapat magdeklara ng national state of calamity.


Isa sa mga importanteng ipinaiiral sa panahon ng state of calamity ay "control the pricing of basic commodities in the affected areas," na ibig sabihin ay hindi puwedeng magtaas ng presyo ng mga bilihin, at kung kailangan ay babaan pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin.


At dahil tinabla ni P-BBM ang national state of calamity na rekomendasyon ng NDRRMC, baka ang mangyari ay magtaas pa ng presyo ng mga bilihin ang mga negosyante sa mga lugar na lubos na apektado ng bagyo.


◘◘◘


DAPAT MAGDEKLARA NA SI P-BBM NG STATE OF CALAMITY—May mga lugar na inaprub ni P-BBM ang state of calamity, kaya masasabing unfair ito sa mga lugar na sinalanta rin ng bagyo, pero walang state of calamity.


May panahon pa naman si P-BBM para baguhin ang kanyang pasya, dapat sundin na niya ang rekomendasyon ng NDRRMC na magpairal na ng national state of calamity.


◘◘◘


PAGLABAS NG BAGYONG PAENG, MAY NAGPA-STL-CON JUETENG AGAD SA ALBAY—Pagkalabas sa Philippine Area of Responsibility ng Bagyong Paeng, nag-operate agad ang operasyon ng STL (Small-Town Lottery)-con jueteng ni Ka Glenn para raketin sa illegal gambling ang mga taga-Albay.


Aba'y dapat ipa-tokhang na agad nina PNP-Region 5 Director, Brig. Gen. Rudolph Dimas at Albay PNP Director, Col. Fernando Cunanan si "Ka Glenn" kasi bad tingnan na katatapos lang salantain ng Bagyong Paeng ang mga taga-Albay, eh, may gambling lord pang manraraket sa kanila.


◘◘◘


HINDI MAGANDANG TINGNAN NA MAY KINAHAHARAP NA DISQUALIFICATION CASE NA SI GOV. ROSAL, NAMAMAYAGPAG PA ANG STL-CON JUETENG SA ALBAY—Dapat kumilos din si Albay Gov. Noel Rosal laban sa STL-con-jueteng ni "Ka Glenn".


Sa totoo lang, hindi magandang tingnan na may kinahaharap na siyang disqualification case, tapos laganap pa anf STL-con jueteng sa kanyang nasasakupan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page