top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Manliligaw na walang sabit, dapat sagutin kesa magtiis na maging forever kabit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 28, 2021
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | November 28, 2021






KATANUNGAN

  1. May live-in partner ako ngayon at wala pa kaming anak pero nagsasama na kami. May nanliligaw sa aking binata at parang nagkakagusto na rin ako sa kanya. Naisip ko tuloy na kung sa partner ko ako makikisama at wala naman akong maaasahang kasal at may pamilya siya, pero hiwalay sa asawa, ngunit sa pagkakaalam ko, may komunikasyon pa rin sila. In short, hindi pa talaga sila hiwalay at umuuwi pa rin siya sa kanilang bahay.

  2. Gusto ko nang sagutin ang manliligaw ko, kaya gusto kong malaman kung compatible ba talaga kami at totohanin kaya niya ang kanyang pangako na kapag kami na, pakakasalan at ibabahay niya ako, gayundin, mamumuhay daw kami nang normal at magkakaroon ng maayos na pamilya?

  3. Siya na ba ang makakasama ko habambuhay o dapat magtiyaga na lang ako sa live-in partner ko ngayon kahit wala naman akong nakikitang future sa aming relasyon dahil natatakot akong baka magkabalikan pa sila ng tunay niyang asawa? Sana ay mapayuhan n’yo ako upang magkaroon na ako ng peace of mind.

KASAGUTAN

  1. Pagkakataon mo na ngayong makawala sa isang immoral at bawal na relasyon dahil sabi mo nga, hindi pa naman lubusang hiwalay sa asawa ang kasalukuyan mong kinakasama. Sa maikling salita, number two o kabit ka ngayon, subalit ang ino-offer sa iyo ng isang binata ay legal at totoong pamilya, dangan lamang ay hindi mo pa matiyak ngayon kung totohanin niya ang kanyang pangakong pakakasalan ka.

  2. Ang unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) na nagsimula sa bilog at nabiyak nang tuluyan (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ay larawan ng kasalukuyan mong karelasyon. May bilog sa simula ang nasabing Marriage Line (arrow a.) dahil sa simula pa lang ng inyong pagsasama ay may problema na— number two o kabit ka lang. Habang kaya naman nabiyak ang unang Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ay ang napipintong paghihiwalay ninyo ng landas ng kasalukuyan mong live-in partner.

  3. Sa madaling salita, anuman ang maging desisyon mo ngayon, hindi na mahahadlangan ang magaganap – sa ayaw at sa gusto mo, maghihiwalay kayo ng kasalukuyan mong live-in partner, upang sa mabilis na pagkakataon, kasunod agad nito ang ikalawang mas malinaw, maganda at makapal na ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.), na nagbabadya ng maluwalhati at maayos na pag-aasawa, na kinumpirma naman ng matapos maputol at nagulong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) ay agad na naayos at gumanda (arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa kalagitnaang bahagi ng iyong edad, kusa ring maaayos ang magulong relasyon na pinasok mo upang mapalitan ng normal at panghabambuhay na samahan.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Hindi naman porke nar’yan ka na sa isang bagay na alam mong mali at immoral ay magtitiis ka at tatanggapin mo na lang ang kapalarang sinadlakan. Kapag ginawa mo ‘yun, lumalabas na bukod sa mahina ang iyong personalidad, dumadagdag ka pa sa lipunang iyong kinabibilangan ng ehemplo ng masama at hindi katanggap-tanggap na relasyon. Kumbaga, parang kinunsinte mo ang pagiging immoral at kabit.

  2. Kaya dahil sa panahong ito na nililigawan ka at nadarama mo namang mahal ka ng isang binata, kung nagkamali ka sa nakaraang pag-ibig o relasyon, pagkakataon mo na ngayon upang ito ay ituwid.

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Jilianne, hindi ka na dapat pang magdalawang-isip, makipaghiwalay ka nang maayos sa partner mong may asawa na at pagkatapos ay sagutin mo ang manliligaw mong binata. Sa ganyang paraan, maitutuwid ng iyong pagpapasya ang nakaraan mong pagkakamali na hahantong sa mas maligaya na at panghabambuhay na pag-aasawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page