top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Manliligaw na Virgo, mas ka-compatible kesa sa bf na Aquarius

  • BULGAR
  • Dec 20, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | December 20, 2022



Dear Maestro,


May boyfriend ako ngayon at magtatatlong taon na kami sa darating na December 25, pero parang nagsasawa na ako sa aming relasyon dahil boring siyang kasama. In short, parang hindi ko na siya mahal.


Dapat na ba akong makipag-break sa kanya at sagutin ang manliligaw ko na isinilang noong August 25, 1998? Nararamdaman kong mas mahal ko na ang lalaking ito kaysa sa kasalukuyan kong boyfriend. April 29, 1999 ang birthday ko, habang February 3, 1997 ang birthday ng boyfriend ko.


Sino sa kanilang dalawa ang makakatuluyan ko at mas ka-compatible ko talaga?



Umaasa,

Twinnie ng San Roque, Cainta, Rizal


Dear Twinnie,


Kung tutuusin, higit mo ngang ka-compatible ang kasalukuyan mong manliligaw na may zodiac sign na Virgo at birth date na 25 o 7 (ang 25 ay 2+5=7), kaya unti-unti nang napapalapit ang loob mo sa kanya at ngayon ay nararamdaman mong mahal mo na rin siya kung ikukumpara sa boyfriend mong nagtataglay ng zodiac sign na Aquarius at birth date na 3.


Ibig sabihin, dahil higit na ka-compatible ng zodiac sign mong Taurus ang Virgo kung ikukumpara sa Aquarius, tama lang ang desisyon mo na makipag-break sa boyfriend mo dahil parang nawawalan ka na ng gana sa relasyon n’yo. Kumbaga sa isang manlalakbay, natagpuan mo ang kapahingahan at ligaya sa piling ng isang Virgo sa panahong ito na nililigawan ka ng nasabing lalaki.


Ganundin ang kinalabasang pag-aanalisa sa aspetong Numerology, kung saan tulad ng nasabi na, higit na katugma ng birth date mong 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2) ang birth date na 25 o 7 (2+5=7) ni Mr. Virgo kung ikukumpara sa birth date na 3 ng Aquarius na boyfriend mo.


Ibig sabihin ng mga datos na tinuran, sa sandaling nagnilay-nilay ka pa hanggang sa tuluyang magdesisyon, iisa lang ang kauuwian ng iyong pasya, makikipag-break ka sa kasalukyan mong boyfriend upang paglipas ng ilang buwan, kayo naman ni Mr. Virgo ang kusang makakabuo ng matatag at mas masayang relasyon.


Ayon sa iyong Love Calendar, ito ay magaganap sa susunod na buwan ng Enero o sa susunod na taong 2023 at sa edad mong 23. Ang nasabing ugnayan na mabubuo, ilang taon pang lilipas ay tuluyan na ring mauuwi sa maligaya at panghabambuhay na relasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page