top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Manliligaw na Sagittarius, dapat sagutin dahil ka-compatible sa birthday at zodiac sign

  • BULGAR
  • Nov 20, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 20, 2022

Dear Maestro,


May dalawang nanliligaw sa akin ngayon. Una ay si Mr. Taurus na isinilang noong April 30, 1997 at ‘yung ikalawa naman ay tawagin na lang nating Mr. Sagittarius na isinilang naman noong December 12, 1996.


Sino sa kanilang dalawa ang mas ka-compatible ko na dapat kong maging boyfriend at mapangasawa kung sakaling mag-aasawa na ako para magkaroon ako ng masaya at maunlad na pamilya? June 22, 1998 ang birthday ko.


Umaasa,

Jane Rose ng Talaba, Bacoor, Cavite



Dear Jane Rose,


Ayon sa zodiac sign mong nasa pagitan ng Gemini at Cancer, higit mong ka-compatible si Mr. Sagittarius na isinilang noong December 12, 1996, higit lalo kung siya ay may katamtamang pangangatawan, may bilugang hugis ng mukha at medyo kulot o matigas ang buhok.


Ang physical description sa itaas ng lalaking nabanggit ay ang tinatawag na “Mercurian type of personality”, na siya namang tugma sa pagkatao mo bilang Gemini, kung ‘yun ang namamayani sa iyong zodiac sign at personalidad.


Upang masigurado mong namamayani sa iyong kapalaran ang pagiging Gemini sa halip na Cancer, sa parte mo naman, kailangang ikaw ay babaeng medyo maliit o mababa, bilugan ang mukha, maliit ang sulat kamay, mabilis at palaging nagmamadali kung kumilos, umasta, dumaldal o magsalita.


Kung ganyan ang iyong pagkatao, kumbaga, makuwento ka o may pagkamadaldal at mahilig ka ring makinig sa kuwento ng iba, tulad ng naipaliwanag na, higit mong ka-compatible si Mr. Sagittarius dahil ang Sagittarius at Gemini ay tugma sa isa’t isa. Sapagkat ang Sagittarius ay nagtataglay ng fire element, habang ang Gemini ay nagtataglay ng elementong air o hangin. Ibig sabihin, ang elementong hangin ay sadyang nagpapalakas at nagpapasigla sa fire type sign na tulad ni Mr. Sagittarius.


Samakatuwid, kung pipili ka sa kanilang dalawa ng lalaking mapapangasawa at makakasama habambuhay upang makamit ang maligayang pagpapamilya, walang alinlangan at pagdadalawang-isip na si Mr. Sagittarius na isinilang noong December 12, 1996 ang dapat mong piliin. Sapagkat hindi lang kayo sa Astrology compatible, bagkus, tugma rin ang inyong mga numero dahil may destiny number siyang 4 (12+12+1996=2020/ 20+20=40/ 4+0=4), kung saan ang birth date mong 22 o 4 (ang22 ay 2+2=4) ay tugma sa destiny number niyang nagkataong 4 rin.


Dahil dito, tulad ng nasabi na, kung si Mr. Sagittarius ang makakatuluyan mo, sa piling ng nasabing lalaki, makakasiguro ka ng maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page