top of page
Search
  • BULGAR

Manliligaw na Capricorn, ka-compatible at makakatuluyan kaya dapat nang sagutin

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | October 17, 2021




KATANUNGAN

  1. May manliligaw ako ngayon at tawagin na lang natin siyang Alfred na isinilang noong January 5, 1996 at alam kong ka-compatible ko siya dahil May 17, 1997 naman ang birthday ko.

  2. Balak ko na siyang sagutin, pero bakit nagdadalawang-isip ako at natatakot na baka kung kami ang magkatuluyan ay hindi rin kami maging maligaya? Sa totoo lang, undergraduate siya pero may maganda naman siyang trabaho ngayon habang ako naman ay graduate ng college at naghahanap pa ng trabaho.

  3. Gusto kong malaman na kung sakaling kami na ang magkakatuluyan, uunlad ba ang aming pamumuhay at magkakaroon ba kami ng masayang pamilya?

KASAGUTAN

  1. Siguro ngayon ka palang magbo-boyfriend o papasok sa isang pakikipagrelasyon, kaya hindi mo malaman kung sasagutin mo na ba o hindi pa ang iyong manliligaw. Kung mahal mo siya at dama mo namang mahal ka rin niya at sabi mo nga ay compatible naman kayo dahil Capricorn siya at Taurus ka naman, may iisang elementong tinataglay ang elementog earth o lupa. Habang ang birth date na 5 at 8 (naging 8 ka dahil ang 17 ay 1+7=8) ay suwetong-suweto at nasa hustong gulang ka na rin naman upang makipagrelasyon. Kaya walang masama kung sasagutin mo siya upang lumigaya at makumpleto ang buhay mo.

  2. Ang pag-aanalisang wala namang problema, maliban na lang sa mahina ang iyong loob o may pag-aalinlangan ka sa iyong sarili ay madali namang kinumpirma ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ito ay tanda na kung sino ang una mong magiging seryoso at pangmatagalang nobyo, tiyak ang magaganap, siya na ang makakatuluyan mo. Kaya lang, tulad ng nasabi na, nagkakaroon lang ng problema dahil sadyang magkasama ang Head Line at Life Line (Drawing A. at B. H-H arrow b. at L-L arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, na ngayon ay tunay ngang wala ka pang tiwala sa iyong sarili at marami ka pang alinlangan at pangambang nadarama sa larangan ng pagdedesisyon.

  4. Ngunit sa sandaling sinagot mo na ang iyong manliligaw na isang Capricorn, sa puntong ito ng iyong buhay, malaki ang maitutulong niya upang tuloy-tuloy nang lumakas ang iyong loob, umunlad at habambuhay na lumigaya, sapagkat tulad ng naipaliwanag na, sadyang magka-compatible ang zodiac sign na Taurus at Capricorn.

DAPAT GAWIN

Tanungin at suriin mong mabuti ang iyong sarili kung talagang mahal mo ang iyong manliligaw at kung mahal ka rin niya. Kung parehong “oo” ang iyong kasagutan, ‘wag ka nang magdalawang-isip pa. Sagutin mo na ang manliligaw mo isinilang sa zodaic sign na Capricorn, sapagkat ayon sa inyong mga datos, kapag kayo ang nagkatuluyan, tiyak ang magaganap, may pangako ng maunlad at panghabambuhay na kaligayahan.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page