top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mangingisda at magsasaka, nananatiling pinakamahirap, dapat na tutukan

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | March 27, 2023

Nananatiling mga pinakamahihirap na sektor, kung pag-uusapan ang poverty incidence noong 2021, ang mga mangingisda, magsasaka, mga bata at mga indibidwal na naninirahan sa mga rural areas.


Base sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga mangingisda ang naitalang may pinakamataas na poverty incidence noong 2021 na 30.6%, kasunod ang mga magsasaka na 30%, mga bata na 26.4%, at mga indibidwal na nakatira sa rural areas na 25.7%.


Nai-record din noong 2015 at 2018 ang mga naturang sektor na may mga highest poverty incidence.


Pahayag ng PSA, ang mga sektor na ito ang may pinakamataas na proportion ng mga indibidwal na napabibilang sa mga pamilya na may income na mababa sa opisyal na poverty threshold kumpara sa iba pang pangunahing mga sektor.


Makikita rin sa datos ang significant increase sa poverty incidence na karamihan sa pangunahing mga sektor, ang mangingisda ang may pinakamalaking pagtaas na 4.4% mula 2018 hanggang 2021.


Kasunod ang mga bata na 2.5%, mga edad 15 at pataas na may disability na 2.5%, at mga indibidwal na naninirahan sa urban areas na 2.3%.


Ang mga magsasaka naman ang nag-iisa lamang na may significant reduction sa poverty incidence na -1.6% mula 2018 hanggang 2021.


Ayon pa sa PSA, ang mga indibidwal na naninirahan sa rural areas ay naitala namay pinakamataas na bilang ng mahirap na populasyon noong 2021 na may 13.67 milyon, kasunod ang mga bata na may 10.46 milyon, at mga babae na may 9.99 milyon.


Nai-record naman ang mga nasa edad 15 at pataas na may disability bilang least number ng mahirap na populasyon noong 2021 na may 271,000, kasunod ang mga mangingisda na may 348,000, at senior citizens na may 1.2 milyon.


Ang mga indibidwal na residente sa urban areas, ang may pinakamababang poverty incidence na kabilang sa basic sectors noong 2021 na may 11.6% kasunod ang mga senior citizens na may 10.3%, at migrant at formal sector workers na may 10.2%.


Nakakalungkot isipin na ang mga magsasaka at mangingisda, pati na rin ang mga naninirahan sa mga lalawigan o bukirin ay itinuturing na pinakamahihirap pa rin sa ating lipunan.


Tila hindi sila makaahon-ahon sa ganitong sitwasyon at hindi man lang mabigyan ng maayos at mabuting pamumuhay.


Marahil, dapat na tutukang maigi ng mga kinauukulan ang mga kababayan nating ito na labis na nangangailangan ng tulong dahil patuloy silang umaasa na magiging maganda at masagana rin ang kanilang buhay.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page