top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Manggagawa buwis-buhay sa baha, korup sarap-buhay sa mansyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | August 11, 2026



Editoryal, Editorial


Habang milyun-milyong manggagawa ang pumapasok sa trabaho sa gitna ng malakas na ulan at malalim na baha, may mga walang konsensya naman na pasarap-sarap sa mansyon at walang problema. 


Ang ordinaryong manggagawa ay walang pribilehiyong manatili sa bahay kapag masama ang panahon. Kailangang sumuong sa bagyo, sa baha, makipagsapalaran sa kalsadang delikado at ilagay sa panganib ang sariling buhay para lamang may maipakain sa pamilya. 


Bilyun-bilyong pisong mula sa buwis ng taumbayan ang dapat nagsisilbing panangga sa baha, hindi puhunan ng iilan para mamuhay nang marangya habang ang karaniwang Pilipino ay nag-aalala kung makakauwi pa nang ligtas.


Hindi sapat ang imbestigasyon na nauuwi sa press conference, pagdinig na nauuwi sa ingay, o pangakong pananagutin ang mga sangkot. Kailangan ng tunay na pananagutan. 


Sa panahong ang manggagawa ay kailangang isugal ang buhay para kumita, walang karapatang mamuhay nang komportable ang sinumang yumaman sa perang dapat sana'y sa mamamayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page