top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Huwag gawing subsidy ang bulsa ng pasahero

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | September 27, 2026



Editoryal, Editorial


Aprubado na ang taas-pasahe sa mga public utility vehicle. Simula Setyembre 28, dagdag na naman ito sa araw-araw na gastusin ng mga manggagawa, estudyante at pamilyang hirap nang pagkasyahin ang kita.



Hindi dapat sisihin ang mga tsuper at operator. Sila rin ay biktima ng mataas na presyo ng langis at lumalaking gastos sa pamamasada. Ang dapat tanungin ay kung bakit nauwi na naman sa bulsa ng pasahero ang solusyon.



Ilang araw lamang ang nakalipas nang sabihin ng gobyerno na dapat maging “last resort” ang fare hike. Ngayon, aprubado na ito. Kung ito ang huling remedyo, nasaan ang mga naunang solusyon?


May fuel discounts at ayuda, ngunit malinaw na hindi sapat ang mga ito. Matagal nang problema ang mataas na presyo ng langis, ngunit wala pa ring matibay na mekanismo upang maprotektahan ang tsuper at komyuter.


Hindi maliit ang dagdag na piso para sa manggagawang ilang beses sumasakay bawat araw. Kapag pinagsama sa mahal na pagkain, kuryente at iba pang pangunahing pangangailangan, bawat dagdag-singil ay dagdag na kaltas sa kita ng pamilya.


Trabaho ng gobyerno na humanap ng paraan upang hindi pagpilian kung sino ang magdurusa—ang tsuper o ang pasahero. Palawakin ang epektibong suporta sa transport sector, bawasan ang operating costs at tugunan ang ugat ng problema sa presyo ng langis.


Suportahan ang tsuper, pero huwag gawing subsidy ang bulsa ng pasahero.

Dahil kung ang sagot sa mahal na krudo ay mas mahal na pamasahe, hindi nalutas ang problema.


Inilipat lamang ang bayarin—at taumbayan na naman ang pinagbayad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page