top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mama’s boy na dyowa, makakatuluyan kahit tutol ang ermat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 26, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | March 26, 2023


Dear Maestro,


May dyowa ako at siya ang first boyfriend ko. Gayunman, wala pa kaming one year, pero marami na akong problema at sakripisyo para sa kanya.


Bagama’t mama’s boy, mabait naman siya, kaso, halos lahat ng sinasabi ng kanyang nanay ay sinusunod niya kahit apektado na ang aming relasyon. Pinagbabawalan kasi siyang mag-girlfriend hangga’t hindi siya nagkakaroon ng sariling trabaho, kaya lihim ang relasyon namin. Madalas akong nag-a-adjust sa mga personal na problema namin dahil sa pamilya niya, kaya ngayon, iniisip ko rin kung magtatagal ba ang ganitong relasyon namin na magulo at kumplikado.


Sana, mapayuhan n’yo ako, nahihirapan talaga kami sa sitwasyon namin. Gayunman, mahal na mahal ko siya at ayaw kong mawala siya sa akin. May pag-asa ba na maayos at magkatuluyan kami? Compatible ba kami at muli bang magiging maligaya ang aming relasyon tulad ng dati na hindi nakikialam ang mama niya sa relasyon namin?


March 17, 1998 ang birthday ko at July 7, 1999 naman ang boyfriend ko.


Umaasa,

Erika ng Abangan Sur, Marilao, Bulacan

Dear Erika,


Ganyan talaga ang buhay, kapag nagmamahal, kailangang magsakripisyo alang-alang sa iyong minamahal. Ang totoo nito, walang kuwenta ang pag-ibig kung walang sakripisyo na ginagawa ang bawat isa dahil ang mga ito ang tunay na nagpapalalim at nagpapatatag sa inyong relasyon.


Sabi nga ni Mother Teresa, “I have found the paradox that if I love until it hurts, then there is no hurt, but only more love.” Ibig sabihin, ang tunay na esensiya ng pag-ibig ay ang masaktan at sa sandaling puro sakit na lang, malalaman mo ang tunay na kahulugan ng pag-iibigan.


Ang problema lang sa sitwasyon mo, sabi mo nga, ikaw ay palaging nagtitiis at nagbibigay sa boyfriend mong Mama’s boy, pero okey lang sa ‘yo, dahil sabi mo ay mahal na mahal mo naman siya. Kaya hangga’t nakakapagtiis ka pa, sumugal ka lang dahil sa bandang huli, kapag nag-mature ang boyfriend mo, magiging maligaya ang inyong relasyon.


Huwag ka ring mag-alala dahil magiging maligaya rin ang inyong relasyon ‘pag nagtagal-tagal dahil ang zodiac sign mo na Pisces at Cancer naman ang boyfriend mo ay may parehong elemento ng tubig. Ibig sabihin, ayon sa Western Astrology, compatible talaga kayong dalawa.


Habang sa Numerology ay ganundin, ang strong number mong 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) ay tugma rin sa weak number niya na 7. Ang pagsasama ng weak at strong personality ay sadya namang balanse sa isa’t isa, kaya darating ang panahon na wagas, masagana at maligya ang magiging relasyon n’yo habambuhay. Sa madaling salita, magtiis ka pa para sa inyong dalawa.


Hanggang sa marating din ng inyong relasyon ang tagumpay ng tunay at wagas na pagmamahalan. Kapag nangyari ito, ibig sabihin ay nagbunga na ang pagsasakripisyo ng inyong relasyon at mapagtibay pa ito.


Sa bandang huli, kayo na ang magkatuluyan at bubuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyari sa taong 2025 at sa edad mong 27 pataas, habang 26 naman ang boyfriend mo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page