Malungkot na awitin, senyales na malapit nang ikasal
- BULGAR
- Jul 9, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 9, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cory ng Mandaluyong.
Dear Maestra,
Magandang buhay. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan gayundin ang mga mahal n’yo sa buhay.
Napanaginipan ko na sobrang lungkot ko dahil sa pagpanaw ng lola ko. Lalo akong nalungkot dahil habang nakaburol siya ay may nagpatugtog ng malungkot na awitin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Cory
Sa iyo, Cory,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sobrang lungkot mo dahil sa pagpanaw ng lola mo ay kabaligtaran ang ipinahihiwatig. Magiging masaya ka sa darating na mga araw, giginhawa ang buhay mo. Lahat ng kaginhawahang inaasam-asam mo ay mapapasaiyo.
Samantala, ang lalo kang nalungkot dahil may nagpatugtog ng malungkot na awitin ay nangangahulugang malapit ka nang ikasal. Halos lahat ng mga kaibigan at mga importanteng tao sa buhay mo ay dadalo sa iyong kasal. Magiging masaya ka sa buhay may-asawa.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments