top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Malinaw ayon sa zodiac sign… Magkasintahang Libra-Aquarius, nakatakdang ikasal sa taong 2025

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | September 14, 2023


Dear Maestro,


Magdadalawang taon na ang relasyon namin ng boyfriend ko. Sa tingin mo ba, Maestro, kami na ang magkakatuluyan? Kung sakaling oo, magkakaroon din kaya kami ng isang maunlad at maligayang pagpapamilya? At ilan kaya ang magiging anak namin?


Ang birthday ko ay October 12, 1999 habang February 6, 1998 naman ang boyfriend ko.


Umaasa,

Claire ng San Isidro, San Luis, Batangas


Dear Claire,


Ang zodiac sign mong Libra na pinaghaharian ng elementong air o hangin ay tunay ngang compatible sa zodiac sign na Aquarius ng boyfriend mo.


Ang Libra at Aquarius ay pinangingibabawan din ng elementong hangin o air. Ibig sabihin, sa aspetong pang Western Astrology, suwetung-suweto talaga kayo.


Ganundin, ang inyong birth date kung saan, ang birth date mong 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) ay compatible rin sa birth date na 6 ng boyfriend mo. Ang inyong mga numero ay tugma rin dahil sa “series of 3-6-9” mga numerong divisible by 3.


Samakatuwid, sa pag-aanalisang pang Astro-Numerology walang duda, tugma at compatible kayong dalawa. At dahil “series of 3-6-9” ang numerong naghahari sa inyong kapalaran, humigit kumulang nasa 3 hanggang 6 na bilang ang inyong magiging anak.


At dahil na rin sa nasabing mga pag-aanalisa na binanggit sa itaas, kayo na nga ang magkakatuluyan at nakatakdang bumuo ng isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na relasyon. Mapalad n’yo namang kulay ang pula, asul, violet at lavander sa araw ng iyong kasal.


Gayundin, sa mga pangunahing gamit sa bahay. Isaalang-alang n’yo rin ang mga petsang 9, 18, 27, 6, 15, 24, 3, 12, 21, at 30, partikular sa buwan ng Mayo, Hunyo, Setyembre at Oktubre para sa araw ng iyong kasal.


Habang ayon sa inyong Love Calendar sa taong 2025 sa mga piling buwan ng Setyembre o kaya’y Disyembre, sa edad mong 26 pataas, tiyak ang magaganap, may isang simple pero masayang kasalan ang itatala sa inyong karanasan na hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page