top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Malinaw ayon sa birthday… Chatmate na Libra ang zodiac sign, sure na makakatuluyan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 26, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 26, 2020



Dear Maestro,


Sa edad kong 41, nararamdaman kong malapit na akong tumandang dalaga, pero may mga ka-chat at kaibigan naman ako sa social media. Isa na ba sa kanila ang mapapangasawa ko? September 1, 1979 ang birthday ko. Tatlong lalaki ang regular kong nakaka-chat at naging malapit na rin ang loob naming sa isa’t isa. Una, si Mr. Aquarius na isinilang nuong February 6, 1977, pangalawa ay si Mr. Sagittarius na isinilang noong December 1, 1975 at ang pangatlo ay si Mr. Libra na isinilang noong October 13, 1976.


Sino sa tatlong lalaking ito ang ka-compatible ko at isa na ba sa kanila ang mapapangasawa ko at makakasama sa pagbuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya?

Umaasa,

Princess Marie ng Bagong Pag-asa, Siniloan, Laguna

Dear Princess Marie,


Ayon sa zodiac sign mong Virgo, hindi mo katugma si Mr. Aquarius, gayundin si Mr. Sagittarius, sa halip, ang tunay na katugma at ka-compatible mo ay si Mr. Libra.

Dagdag pa rito, ang birth date mong 1 ay compatible rin sa birth date na 13 o 4 (1+3=4) ni Mr. Libra, kaya sa pag-aanalisang Astro-Numerology, walang duda, si Mr. Libra ang higit mong ka-compatible sa tatlong lalaking bahagi ng iyong buhay ngayon.


Sa susunod na mga araw o sa paglipas ng ilan pang mga buwan, tiyak ang magaganap, tuluy-tuloy nang yayabong ang inyong relasyon at pagmamahalan, hanggang sa personal kayong magikita. Sa sandaling nagkita kayo, magkakapalagayan agad kayo ng loob at sa bandang huli, tulad ng nasabi na, dahil tugma at compatible kayong dalawa, kayo na ang magkakatuluyan at panghabambuhay na pormal nang magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyari sa 2022, sa edad mong 43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page