top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Malinaw ayon sa birthday at zodiac sign… Naka-close na crush, makakatuluyan sa 2025!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 7, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| April 07, 2021



Dear Maestro,

May crush ako at ang totoo nito, hindi ko naman inaasahan na mapapansin niya ako. Ang nangyari, kung saan-saan na ako nakarating at namasukan, pero pagbalik ko sa probinsiya namin, nakapagtatakang naging close kami. Ito ay nangyari nang maghiwalay sila ng first girlfriend niya na bestfriend ko rin.

Tapos nagka-kuwentuhan kami at nabanggit niyang hiwalay na sila ng girlfriend niya dahil nag-Japan ito at doon na nakapag-asawa ng isang Hapon. Akala ko noon, ang crush ay paghanga na nawawala rin paglipas ng panahon, pero iba ang naging feeling ko sa kanya, lalo na nang maging close kami at tuluyan na akong napamahal sa kanya.

Ngayon, hindi ko alam kung may nararamdaman din siya sa akin o baka kaya lang siya naging malapit sa akin ay dahil broken hearted siya ngayon? Pero basta masaya ko kapag magkasama kami at okey na sa akin ‘yung ganu’ng feeling. Kaya lang, ang gusto kong malaman ay kung compatible ba kami at magiging kami rin ba balang-araw? April 16, 1999 ang birthday ko at December 13, 1998 siya.

Umaasa,

Jhosie ng Pandan, Cabusao, Camarines Sur


Dear Jhosie,

Ang zodiac sign mong Aries at Sagittarius naman ang lalaking espesyal sa puso mo ay nagsasabing tunay na compatible kayo sa isa’t isa dahil ang Aries at Sagittarius ay kapwa pinangingibabawan ng elementong fire o apoy.


Habang sa Numerology naman, ang birth date mong 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) ay suwetong-suwetong isama sa birth date na 4 ng sinasabi mong lalaki, kung saan sa pang-istatistikang basehan, tunay ngang maraming isinilang sa petsang 7, 16 at 25, ay nakatuluyan silang mga isinilang sa petsang 4, 13, 22 at 31. Ibig sabihin, sa pag-aanalisang Astro-Numerology, walang duda na tugma at compatible talaga kayong dalawa.


Dahil dito, sobrang laki ng posibilidad na mauuwi ang kasalukuyan n’yong pagkakaibigan sa isang matimyas at masayang relasyon. Kung saan, habang tumatagal ang inyong friendship at kakaibang ugnayan, lalo naman kayong masasarapan, sarap na pang-emosyonal hanggang sa tuluyang mauwi sa isang wagas at matimyas na pag-iibigan.


At paglipas pa ng ilang mga taon, matapos maging kayo, tiyak ang magaganap, darating ang panahong mauuwi na rin sa isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya ang inyong relasyon, na nakatakdang mangyari sa taong 2025 sa edad mong 25 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page