Maliit ang pamilya? No problem!... Simpleng paraan ng pagdiriwang ng Pasko
- BULGAR

- Dec 24, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 24, 2020

Dahil may pandemya at bawal ang sama-sama ang malaking grupo ng pamilya, sa maliliit na klase ng handaan at pagsasalo na lamang natin iuukol ang saya ng pagdiriwang ng Noche Buena. Kung tutuusin naman ang Pasko ay nagsimula lamang sa isang salat at nagdarahop na pamilya nina Jose at Maria at ng kaisa-isa nilang anak na si Hesukristo. Sa isang sabsaban lamang sila naroon, kasama ang mga tupa at iba pang hayop.
Kahit sila lamang na tatlo sa pamilya ay napakasaya ng kanilang samahan, malalapit ang damdamin sa isa’t isa at nagmamahalan. Kahit ganyan lang kasimple ang buhay at kaliit ang pamilya, puwedeng maidaos ang Pasko nang napakasaya. Puno ng espiritu ng pagka-heneroso at katuwaan.
1. VIRTUAL NA PAGBIBIGAYAN NG AGINALDO
Ang Christmas gift-giving ay napakasayang aktibidad sa bawat pamilya. Bigyan ang bawat isa ng inimprentang mga panulat ng tungkol sa Pasko. Magkaroon ng walang material na regalo tulad ng paglalaan ng oras sa pamilya o araw ng pagtulong sa gawaing-bahay. Pagtipun-tipunin din ang mga dalang regalo at saka magpalabunutan para mas maging masaya, mas maganda ito gagawing virtual hindi ba. Ang sarap ding magbidahan sa video call kahit kanya-kanya ng handa sa bahay basta't ang mahalaga nakapag-uusap ng masaya.
2. KARANIWANG CHRISTMAS ACTIVITIES
Ang tradisyonal na Christmas activities ang nakapagpapa-close sa damdamin ng bawat pamilya. Sabay sabay na magdekorasyon ng Christmas tree. Magbalot ng mga regalo na ilalagay sa ilalim nito, maging ng iba pang mga dekorasyon. Habang gumagawa ng dekorasyon ay maghanda ng malamig na inumin at apple pie. Matapos na masindihan ang malaking Christmas tree at iba pang mga palamuti sa bahay ay umupo lahat at magkuwentuhan habang kumakain.
3. ISANG SIMPLENG NOCHE BUENA.
Nakapagpapa-close ng kalooban ang magsama-sama sa pagsasaluhang Noche Buena. Pero bago ito ay magsipagsimba muna at sama-samang magtungo sa simbahan. Bago rin ito ay magtulungan muna sa paghahanda ng mesa at pagkain. At least pag-uwi ng bahay, pagkabili ng bibingka at puto bumbong ay sabay-sabay nang magsasalo sa Noche Buena.








Comments