top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Malayang protesta dapat may pananagutan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 2
1 min read

by Info @Editorial | July 2, 2026



Editoryal, Editorial


Karapatan ng mamamayan ang magprotesta at magpahayag ng paninindigan. Ngunit sa isinasagawang rally ngayon sa EDSA, mahalagang paalala na ang karapatang ito ay may kaakibat na pananagutan.


Mas malakas ang mensahe ng protesta kapag ito ay maayos, mapayapa, at disiplinado. Hindi kailangang mauwi sa gulo, sakitan, o matinding abala sa publiko upang marinig ang panawagan.


Tungkulin ng mga organizer na tiyakin ang kaligtasan ng mga kalahok, habang tungkulin naman ng mga otoridad na pairalin ang maximum tolerance at maayos na crowd management. 


Dapat ding igalang ang karapatan ng ibang mamamayan na makadaan, makapagtrabaho, at makauwi nang ligtas.


Ang EDSA ay simbolo ng malayang pagkilos, ngunit ito rin ay mahalagang lansangan ng publiko. 


Kaya ang panawagan: ipaglaban ang paniniwala, ngunit panatilihin ang kaayusan, respeto, at kaligtasan ng lahat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page