top of page

Malalaswang palabas online, aksyunan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2024
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | September 5, 2024



Boses by Ryan Sison

Marami mga magulang na ang nababahala sa mga napapanood ng mga bata, partikular na ang mga malalaswang palabas sa internet. 


Aminado ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na hirap silang makontrol ang mga palabas na may maseselang tema ng panoorin sa online.


Ayon kay MTRCB Chairwoman Lala Sotto-Antonio, hindi sakop ng kanilang mandato ang social media, online streaming at user generated content platforms gaya ng Vivamax at Netflix dahil nang gawin aniya, ang batas na nagbuo sa kagawaran ay noong 1985 pa at hindi uso ang internet. 


Bukod dito, hindi rin kaya ng kasalukuyang 31 board members ng MTRCB na ma-monitor at marepaso ang lahat ng mga nasa online streaming.


Binigyang-diin naman ni Sotto-Antonio na nakipag-dialogue na sila sa mga online platform at sinabing sinusubukan na ring makipag-cooperate sa kagawaran ng mga ito.

Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng MTRCB, sinabi ni Finance Subcommittee chairperson at Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na balak na rin ni Sen. Robinhood Padilla na isulong na amyenda ang charter ng MTRCB para maisama na sa maisasaklaw ng kanilang kapangyarihan ang mga digital content at live streaming platforms.


Marahil, panahon na rin para maamyendahan ang batas na nagbuo sa MTRCB upang makatulong na ma-regulate ang mga palabas sa mga internet.


Hindi kasi maganda ang epekto sa kaisipan ng mga malalaswang panoorin, hindi lang sa mga bata kundi pati na rin sa lahat.


Kung susubukan itong panoorin, grabe ang iyong makikita, nariyan na lumalabas ang mga maseselang parte ng katawan ng babae at lalaki. Mayroon ding mga sexual movie na hindi talaga kaaya-aya tingnan dahil dapat na ginagawa lamang ito ng mag-asawa.

Sana, agad na makabuo ng bagong batas hinggil dito upang talagang makakilos ang kinauukulan at totoong ma-regulate nila, at matigil na rin ang mga maituturing na nating bastos na panoorin. 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page