Malalaking butil ng palay at nagbunot ng damo
- BULGAR
- Dec 9, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 9, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Alfredo ng Taguig City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na pumunta ako sa bukid namin, tapos ang ganda-ganda ng tanim naming palay at ang lalaki ng mga butil nito. Napansin ko na maraming damo ang tumubo sa paligid, kaya binunot ko ang mga ito upang hindi maapektuhan ang tanim naming palay.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Alfredo
Sa iyo, Alfredo,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa bukid n’yo, tapos ang ganda ng tanim n’yong palay at ang lalaki ng mga butil nito ay matutupad na ang mga pangarap mo sa buhay. Magtatagumpay ka at pagpapalain sa iyong mga gawain.
Samantala, ang binunot mo ‘yung mga damo sa paligid upang hindi maapektuhan ang tanim n’yong palay ay nangangahulugang kikita ang iyong negosyo. Kung mas mahaba at marami ang damo na binunot mo, mas malaki at marami kang kikitain.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments