top of page

Malaki ang itinaba… MEGAN, NAGBEBENTA NA NG MGA DAMIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2
  • 3 min read

Updated: Feb 3

ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 2, 2025



Photo: Megan Young - FB


Nag-decide na si Megan Young na i-declutter na ang kanyang mga dress dahil hindi na ito magkasya sa kanya due to her pregnancy. 


Sa kanyang Instagram (IG) Stories, pinost ng first ever Pinay Miss World 2013 na inaalis na niya sa kanyang closet ang mga hindi na niya masusuot na mga damit dahil nadadagdagan na ang kanyang timbang.


Halos lahat daw ng kanyang clothes ay hindi na magkasya sa kanya. 


Aniya, “Nothing fits me anymore. Oras na naman para mag declutter getting rid of clothes that don’t fit me anymore or that I barely use. Everything must go. I wanna make more space and only use clothes na lagi kong ginagamit.”


Aniya pa, magkakaroon daw siya ng garage sale for her decluttering, “A lot of these clothes are very small sizes, hindi na ako kasing liit ng size ko dati and just a side note, nag-bulking phase kasi ako bago mag-buntis. So I tried to gain weight so I could gain muscle tapos nabuntis ako.” 



NALOKA si Melai Cantiveros nang totohanin ni Robi Domingo ang joke niya.

Sa Instagram (IG) ng TV host ay ipinost niya ang screenshot ng text niya kina Melai at Bianca Gonzales.


Sa convo nilang tatlo ay nagkayayaan silang mag-dinner intimately.


Tanong ni Robi asked kung pwede niyang isama ang wife niyang si Maiqui Pineda.


Nang marinig ni Melai ay nag funny funny joke siya.


Aniya, “Game on Wednesday? Can I bring Maiqui with me?”


Sagot ni Melai, “Yes, please. Hehehe! char lang. Kahit isama mo si Sir Carlo, Robi D.”


Hindi akalain ng komedyanang aktres na totohanin ni Robi ang kanyang sinabi na kahit isama pa niya si Sir Carlo.


Nang dumating si Melai sa usapan nila ay ang una agad niyang nakita ay si Sir Carlo.


“‘Wag mo kasi kami hinahamon,” saad ni Robi sa caption of his now-viral post sa IG.


Nagreak naman si Melai comment section sa video na pinost ni RD.


“Hoy, bakit may video? Buang ka, Robi D, ‘di ko talaga ini-expect ba si Sir Carlo, grabe kabait and talagang anytime s’ya ay may time sa kanyang mga artist. Labyu, Sir Carlo, ayaw ko na, Robs, ayaw ko na talaga. Be careful what you wish for,” komento ni Melai.



Nagsalita na si Mark Herras tungkol sa viral niyang pagsasayaw sa gay bar.

Guest ang aktor ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube (YT) Channel na Toni Talks (TT).

Ayon kay Mark, “Kung napansin n’yo talaga, ang tahimik ng buhay ko. Wala akong isyu na nangyayari except this last one na sumayaw ako sa gay bar, ‘di ba?”


Esplika niya, “Hindi naman ako naghubad, eh. Hindi naman ako sumayaw na parang macho dancer or what. I performed, I danced a hip hop, ganu’n.”


Patuloy niya, hindi naman daw siya namimili ng trabaho para sa kanyang pamilya. Ang pagsasayaw raw sa Apollo ay isang simpleng trabaho.


“Hindi ako namimili. Basta ako, trabaho? Okay ako. So ngayon, nu’ng in-offer-an ako sa Apollo, why not? Trabaho ‘yun, eh. Meron nga akong tinatanggap na mga trabaho, magpe-perform ako parang sa mga party lang na ‘yung events place eh maliit lang. Still, it’s work, trabaho.


“Kaya mas lalo akong tumatanggap ng mga trabaho, para sa anak ko. Ayokong dumating yung time na manghihingi ‘yun anak ko ng pera sa ibang tao dahil wala kaming maibigay.


“Hindi ako papayag na masira, o magkaroon ng buhay na hindi dapat para sa kanila. Like for example, hindi sila makapag-aral. Kaya kong gumawa ng paraan para makapag-provide, in a legal way, para sa pamilya ko.


“Kumbaga, pride ko? Kaya kong lunukin ‘yan, kaya kong alisin ‘yung hiya ko sa katawan, ‘yung pagkalalaki ko, para sa pamilya ko,” sambit pa ng Kapuso aktor sa panayam ni Toni Gonzaga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page