top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malaki ang bilang ng mga gumagaling kaya malinaw na may gamot sa COVID-19

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2020
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 8, 2020



Nagbago na ang “behavior” ng COVID-19.


Noon ay mayayaman at naka-aircon lang ang tinatamaan—bumaba na ito sa masa at ordinaryong mamamayan.


‘Yan na ang sobrang delikado!


◘◘◘


Kung susuriin, maikukumpara ito sa ordinaryong trangkaso—hawa-hawa ang buong pamilya.


At mapapansing walang malaking bilang ang namamatay o nasasadlak sa severe cases!


◘◘◘


Kapos nang paliwanag ang DOH at IATF kaya’t nagpa-panic ang lahat.


Kung tutuusin, kumpara sa “US statistics” na halos may five percent mortality, sa Pilipinas ay halos dalawang porsiyento lamang ang namamatay mula sa kabuuang tinamaan ng sakit!


◘◘◘


Pareho ang datos sa world record at Pilipinas—may “more than 60 percent ang recoveries”.


Malinaw ang paulit-ulit na datos—may recoveries.


Taliwas ito sa pananakot na “walang gamot” sa COVID-19!


◘◘◘


Hayaan ninyong saklolohan natin ang IATF sa maayos na paliwanag na may kongkretong “konteksto”.


Una, may recoveries ang mga nagpopositibo sa COVID-19—walang debate riyan.


Sapagkat—ang datos na inilalabas ang ating mismong ebidensiya.


May recoveries!


◘◘◘


Kung may recoveries—ito ay maikukumpara rin sa tradisyunal o ordinaryong trangkaso—may recoveries din.


Ang ordinaryong trangkaso—kapag tumama sa may mahihinang immune system tulad ng mga dati nang may sakit at matatanda o may diabetes, renal failure, TB at iba pa—nakamamamatay din ito!


◘◘◘


Malinaw kung gayon na dapat ihiwalay ng DOH—ang datos o bilang ng mga tao—na may “mild symptoms o asymptomatic—na maihahalintulad sa ordinaryong trangkaso.


Hindi naiiwanan ang trangkaso o flu—walang gamot sa alinmang “virus”, pero nagagamot ang sintomas tulad sa sintomas ng COVID-19!


◘◘◘


Dapat inuubos ng DOH, IATF at Malacañang sa maayos na pagpapaliwanag ng sitwasyon imbes na manakot o maghasik ng pangamba sa mamamayan.


Dapat mag-ingat ang lahat—at dapat sundin ang protocol—sapagkat kapag stress, depressed, pagod, may mahinang immune system—mapapatay din ang ordinaryong tao ng COVID-19 at ordinaryong trangkaso!


◘◘◘


Dapat tutukan ng IATF, Malacañang at DOH ang pagsusuri at paglalabas ng malilinaw na datos sa mga may “severe cases at death”.


Ang datos sa severe case at death ay dapat ikumpara sa datos sa ibang bansa o buong daigdig—mula sa datos na ‘yan—magdedesisyon ang Malacañang kung ano ang tunay na sitwasyon sa bansa!


◘◘◘


Kahit sa ordinaryong trangkaso—hindi maiiwasan ang hawa-hawa, pero hindi dapat mag-panic—dahil nagagamot ang sintomas.


Pero, ang iparalisado ang ekonomiya, sikilin ang galaw ng tao at pagkaitan ng hanapbuhay ang mga obrero—dahil sa “sakit na nagagamot ang sintomas”—ay hindi makatwirang desisyon!


◘◘◘


Bilangin, tukuyin at saliksiking mabuti ang bilang at datos ng may “severe cases at death” kaugnay ng COVID-19—at d’yan ipokus ang pag-uulat at desisyon.


Kapag dumarami ang namamatay at nagkakaroon ng severe cases sa COVID-19—d’yan kayo magdesisyon ng hard lockdown!


◘◘◘


Kapag hindi makontrol ang bilang ng severe cases at death sa COVID-19—justified na ideklara ang Martial Law—sa loob ng 30-araw.


Malinaw at tapos ang problema!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page