top of page
Search
  • BULGAR

Malakas na organisasyong pang-masa ang solusyon laban sa grupong komunista

ni Ka Ambo - @Bistado | August 30, 2022


MALAKING paghamon sa gobyerno na palakasin ang mga organisasyong pang-masa.


Ito mismo ang solusyon laban sa grupong komunista.


◘◘◘


MAINAM na buhayin ni Pangulong Marcos, Jr. ang Presidential Arm for Community Development (PACD) na nilikha ng kanyang ama sa unang termino noong 1964 hanggang 1969.


Hinugot ni Marcos, Sr. mula sa Maynila ang batambata pa noon na si Ernie Maceda upang pamunuan ang PACD na nakaabot ang malawakang koordinasyon ng Malacañang sa kasuluksulukang barangay ng bansa.


◘◘◘


UMAKTONG facilitator o change agent sa halos lahat ng komunidad ng bansa ang mga PACD field officers.


Sa panahong ito, binuo at pinakaaktibo ang mga organisasyong tulad ng Samahang Nayon, 4-H Club, BaExt, Pagasa Youth Movement na nagpasigla sa Masagana 99, Green Revolution at marami pang iba.


◘◘◘


ANG gugulin sa PACD ay mula sa badyet ng Office of the President.

Gayunman, sa panimula ang mga umaaktong PACD fieldmen ay designated officer lamang na hinugot pansamantala sa iba't ibang ahensya na nakabase sa LGU units.


Ganun lang kasimple.


◘◘◘


BINABATIKOS ang mga left-leaning organisasyon na inaakusahang laban sa gobyerno pero wala namang espesyal na ahensya na nag-o-organisa, nagpapasigla, nagsusulong o sumusuporta sa mga asosasyong kabalikat ng pamahalaan.


Dapat pasiglahin at mag-organisa ang gobyerno at palaganapin ang ganap na ideolohiyang maka-Filipino.


◘◘◘


INIAKDA ni Pangulong Marcos, Sr. ang aklat na Democratic From the Center upang isulong ang ideolohiyang Filipino sa bawat barangay.


Dapat itong buhayin ni Pangulong Marcos, Jr. kasabay ng modernong telekomunikasyon habang iniaahon ang bansa mula sa pandemya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page