top of page
Search
  • BULGAR

Malacañang ‘di dapat magsaya sa 31% Pinoy na nakasuporta, kasi 69% ayaw na sa Marcos admin!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Abril 13, 2024



PAGBUBUNYI NG MALACAÑANG NA 31% PINOY, NAKASUPORTA SA MARCOS ADMIN, SABLAY! -- Sablay ang pagbubunyi ng Malacañang sa inilabas na survey ng OCTA Research Firm na 31% Pinoy ang nakasuporta sa administrasyong Marcos.


Sa totoo lang, hindi dapat ito ikatuwa ng Malacañang, kasi lumalabas na 69% ng Pinoy o majority Pinoy ang hindi nakasuporta sa Marcos admin, period!


◘◘◘


MGA KAWANI O WORKERS NA ‘DI PAPASOK SA INIT NG PANAHON, BIGYAN NG AYUDANG TUPAD -- Ayon sa Dept. of Labor and Employment (DOLE), kapag matindi raw ang init ng panahon ay puwedeng mag-absent ang mga kawani o workers, pero wala raw matatanggap na sahod.


Pambihira namang advise ‘yan, eh hindi nga maiinitan, pero gutom naman ang aabutin.

Okey lang na walang sahod para hindi naman agrabyado ang employers, pero sana naman, ang mga a-absent dahil sa matinding init ay bigyan naman ng ayuda ng DOLE tulad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) para naman may pambili ng pagkain para sa kanilang pamilya ang mga kawani o workers na liliban sa trabaho dahil sa init ng panahon, period!


◘◘◘


AYUDANG TUPAD SCAM SA SAN JUAN CITY, LALIMAN ANG IMBESTIGASYON BAKA MAY IBA PANG KONSEHAL NA DAWIT SA ANOMALYA -- Kapag inumpisahan na ng komite ni Sen. Jinggoy Estrada ang imbestigasyon sa ibinulgar ni Sen. JV Ejercito na niraraket daw ng ilang local officials ng San Juan City ang ayudang TUPAD ng DOLE ay dapat mas laliman ang imbestigasyon sa isyung ito.


Sa ibinulgar kasi ni Sen. JV, base sa isinapublikong video ng residenteng biktima ng TUPAD scam, na sa P7,500 ayudang TUPAD, ay P1K lang ang napunta sa benepisyaryo, na ayon daw sa staff ni Councilor Paul Artadi ang P6,500 ay mapupunta sa tanggapan ni Mayor Francis Zamora.


Ang nais nating ipunto rito, dapat mas laliman ang imbestigasyon kasi baka hindi lang ang opisina ni Councilor Artadi ang may ganitong raket, kundi pati iba pang tanggapan ng mga konsehal sa San Juan City, boom!


◘◘◘


HINDI DAPAT PALAMPASIN NI SEN. JINGGOY ANG POST NINA ‘YNA CRUZ’ AT COUN. MATHAY NA TINAWAG SIYANG ‘SIRAULO AT WALANGHIYA’ -- Sa panahon ngayon ng social media, iyong post ng isang “Yna Cruz” na sinabihang “siraulo at walanghiya” si Sen. Jinggoy, na ang post na ito ay itinag kay San Juan City Councilor Macky Mathay, na in-accept naman ng konsehal kaya lumabas din ito sa kanyang Facebook account, ay tiyak hindi lang mga taga-San Juan ang nakabasa nito, kundi ang iba pang mamamayang Pinoy at maging ang iba pang lahi sa mundo.


Hindi dapat palampasin ni Sen. Jinggoy ang post na ito sa social media sa FB accounts nina “Yna Cruz” at Councilor Mathay, dapat niyang kasuhan ng cybercrime ang mga ito kasi baka maniwala ang mga mamamayang Pinoy at iba pang lahi sa mundo na may “siraulo at walanghiyang” senador sa ‘Pinas, period!


◘◘◘


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page