Mala-5 mos. preggy sa laki… IVANA, BINUTASAN SA TIYAN, TINANGGALAN NG 2 LITERS NA TUBIG
- BULGAR

- Nov 10, 2024
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 10, 2024
Photo: Ivana Alawi's channel - YT
Ipinagtapat na ni Ivana Alawi ang kanyang sakit na naging dahilan ng pananatili niya sa ospital kamakailan.
Sa kanyang pinakabagong vlog, idinetalye ng aktres/content creator ang aniya ay pinakamahirap na journey ng kanyang buhay.
“Sa lahat ng dinanas ko sa buhay, isa ‘to sa pinakamatindi na pain,” simula ni Ivana.
“Feeling ko talaga it’s really my second life,” pahayag pa niya.
“I-share ko lang din sa inyo na mayroon akong problem sa ovaries and that’s how it started, and I also have PCOS [polycystic ovary syndrome], doon siya nagsimula,” aniya.
“Siguro kung hindi ako pumunta ng ospital, feeling ko wala na talaga ako, ganu’ng level. Nagpapunta na lang ako ng ospital noong hindi ko na kaya,” sey niya.
Sa ospital ay doon nakita na punumpuno ng fluid ang kanyang tiyan.
“I also got fluid in my stomach na sobrang napuno na s’ya. Day by day habang nasa ospital ako, umaangat nang umaangat ‘yung fluid sa tiyan ko, mukha akong five months pregnant,” kuwento ni Ivana.
“Ang laki n’ya and it grew day by day, tapos nu’ng pa-dulo na, patigas na s’ya nang patigas. Tapos ‘yung sakit, hindi na ako makahinga.
"Konting lakad ko lang, parang hihimatayin ako, nanlalamig na ‘yung buong body ko, tapos tumitirik daw ‘yung eyes ko, ganu’n,” pagbabahagi ng Kapamilya actress.
Hirap na hirap daw siyang huminga at lagi niyang hinahabol ang kanyang hininga sa buong araw. Hanggang sa nagdesisyon na siyang ipatanggal ang tubig sa kanyang tiyan.
“‘Yung last time na parang sabi ko, hindi ko na kayang huminga, kasi feeling ko, kada hinga ko, para akong nalulunod.
“I felt like the liquid was already getting into my lungs. Tapos, parang sabi ko, ‘Butasan n’yo na ako, kahit saan, kahit ilan ang gusto n’yo, basta tanggalin n’yo lang itong sakit,’” tsika pa ni Ivana.
At binutasan na raw ang kanyang tiyan para i-drain. All in all ay 2 liters daw ang tubig na natanggal sa kanyang tiyan. At dito pa lang daw siya nakaramdam ng ginhawa.
Ngayon ay nagpapagaling na ang aktres, “I’m still recovering, hindi pa one hundred percent okay.”
IN fairness, napapanatili naman ni Liza Soberano ang kanyang international career. Mainit ngang pinag-uusapan ngayon ang appearance niya sa music video (MV) ng Thai superstar na si Bright Vachirawit.
Sa kanyang Instagram (IG) account ay ibinahagi ni Liza Soberano ang mga behind-the-scenes photos nila ni Bright while doing the MV for his latest music, Long Showers.
“Had so much fun working on this, Long Showers out now!” caption ni Liza.
Ipinost din ng Thai superstar ang teaser ng nasabing music video kung saan ay makikita nga na leading lady niya si Liza.
Sa post ni Liza ay makikita ring nagkomento si Bright at nagpasalamat sa kanya.
“Thank you for your commitment Liza. It’s really fun working with you. See you soon!” mensahe ng Thai singer/actor.
Nagpahayag naman ng excitement ang kani-kanilang fans at may mga kinilig pa dahil bagay daw ang dalawa.
“THE CHEMISTRY IS REAL!” komento ng isang netizen.
“Thank you for joining with Bright. You make this MV more perfect. Really good chemistry,” sey naman ng isa pa.
“GRABE ‘YUNG CHEMISTRY BEH!!!” reaksiyon ng isa pang fan.
“Just watched it... can't deny there's chemistry there but I need to resuscitate my LizQuen, it'll beat for only @enriquegil17 & @lizasoberano forevermore,” komento naman ng isa pa.












Comments