top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Makinang sa Tipsters ang Shine sa Santa Ana

BULGAR
Jul 14, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 14, 2022


Patok sa karera tipsters ng programa si Shine sa magaganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ngayong araw.

Sasakyan ni jockey RM Adona, makikipagtagisan ng bilis si Shine kontra 5 tigasing kabayo sa distansiyang 1,300 meter race na pakakawalan sa unang karera.


Ayon sa mga komento ng mga karerista sa social media, karamihan sa kanila ay ipinapatok din si Shine sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nakalaan ang added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay sina Truthmaker, Loyal Pal, Lady Of Peace, Angel Brulay at High Quality.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang karagdagang premyo na P5,000.


Komento ng ibang karerista, kahit lamang sa laban si Shine ay dalawang kabayo ang kanilang pipiliin para sa gagawing winner take all (WTA) na magsisimula sa Race 1.


"Para malaki ang tsansa na maka-isang puntos agad, dalawa ang pipiliin ko," sabi ni Clarito Hipolito, veteran karerista.


Samantala, atat na ang mga karerista na masisilayan muli si Basheirrou sa pista.


Hindi pa naglalabas ng opisyal na lineup pero nakatitiyak ang mga tagahanga ni Basheirrou na tatakbo ito sa 3rd Leg Triple Crown sa Hulyo 24 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Pambato ng may-ari na Rancho Sta. Rosa at trainer na si Ruben Tupas, namumuro si Basheirrou sa pagwalis ng Triple Crown Series at maging pang-13th na naka-sweep sa nasabing prestihiyosong karera para sa mga batang kabayo.


Walang dudang si class A rider Kelvin Abobo ang rerenda sa breed ni Melanie Habla at anak nina Brigand at Allemeuse na si Basheirrou.


Bumilib ang mga karerista sa ipinakitang tikas ni Basheirrou noong manalo ito sa first at second legs kung saan ay nakipagtagisan ito ng bilis sa ibang dekalidad na batang kabayo.


Samantala, maliban sa Triple Crown ay pakakawalan din sa nasabing araw ang Hopeful Stakes Race at 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race.


Posibleng sa susunod na araw ay malalaman na ang mga nagdeklara ng pagsali sa tatlong malalaking karera.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Shine (6), Lady Of Peace (3)

Race 2 - Konzeelanz (4), Hunyo Disenueve (3)

Race 3 - Heirlom/Signature Move (1/1A), Big Hook (7), Quick Buck (6)

Race 4 - Luyang Cave (5), Musikera (4), Dimakya Island (1)

Race 5 - The Queen (2), Red Hawk (4)

Race 6 - Pilya (3), Tipsy Tapsi (1)

Race 7 - Lady Goldie (7), Grand Princess (1), Maam Aida (4)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page