top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &

Makikipag-join forces sa ibang partido... BBM, wala pang pantapat kay Sara sa 2028

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 15
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | August 15, 2026



Sara Duterte at Bongbong Marcos - FB

Photo: File



Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-eendorso siya ng kandidato para sa 2028 presidential elections, ngunit hindi pa niya matukoy kung sino ito.

Ayon kay Marcos, wala pa siyang nakakausap tungkol sa posibilidad na tumakbo bilang pangulo.


Kabilang sa mga posibleng kandidato ang maaaring humarap kay Vice President Sara Duterte, ngunit nilinaw ng Pangulo na wala pa siyang personal na napipili.


“I will certainly endorse a candidate in the 2028 elections. Who that is, I cannot tell you because even I don't know,” pahayag ni Marcos sa isang dayalogo kasama ang Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).


Sinabi rin ng Chief Executive na ang kanyang partido, ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ay makikipag-alyansa sa ibang partido upang pag-usapan ang posibleng kandidato o tandem para sa 2028.


Iginiit ng Pangulo na sa tamang panahon ay pipili ang kanyang partido ng “best possible candidate” na magpapatuloy sa mga nasimulan ng kanyang administrasyon at maglulunsad ng mga bagong hakbang para sa pag-unlad ng bansa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page