Maki, naglabas ng new single na "Namumula"
- BULGAR
- Aug 31, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @Entertainment News | August 31, 2024

Inilabas na ang music video (MV) ng 'Namumula' ng singer-songwriter na si Maki, dalawang araw matapos ipaalam ng record label na Tarsier Records na sold out ang nalalapit na concert ng artist sa darating na Nobyembre.
Ibinida ito ni Maki sa kanyang opisyal na YouTube page ng kanyang record label kung saan tampok sina Nhiko Sabiniano at Jannah Chua.
Ang 'Namumula' ay para sa mga taong hindi mapigilang ma-attract sa mga red flag, tulad ni Maki na hinahabol si Jannah sa kabila ng lahat ng babala at warnings na talaga namang bumenta sa mga tagasuporta ng artist. Marami raw kasi sa mga ito ang naka-relate sa dramang ipinakita ng MV.
Matatandaang ilan ang mga awiting "Saan?" "Kailan?" at "Dilaw," sa mga sumikat na likha ng singer.








Comments